Louis POV
Nasa samar na kami kung saan nakatirik ang portal na papasukan namin para makatating sa magic world.
Hindi na sumama ang anim para may magbantay ng sari-sari store.
"Mahinang mahina na si Headmistress at hindi nya na kayang lumaban sa mga taga balck clover, at hindi nalang yon ang gustong pabagsakin ang gubyerno dahil mas dumami pa dahil nagkaroon ng maraming organisasyon pa sa procyon, kaya ngayon masyado nang mapanganib sa bansa at naki-anib sila sa mga terorista" sabi ni rose.
"At hindi lang yon, nakahanap sila ng gamot na pag tinurok sa isang taong may kapangyarihan o kahit mga mage o vampire pa ay mawawalan ng kapangyarihan" si renzo.
"Di na rin nakakalaban si Headmistress dahil masyado na itong matanda at hindi na kaya ng gubyerno ang nangyayari kaya hinanap ka namin dahil alam naming tutulungan mo kami" sabi ni marcus.
"Ganon na ba talaga kalala?" Sabi ko.
Nung nakapasok kami sa portal ay tumambad sakin ang kabila-kabilang mga sunog. Sira sirang dingding.
Andaming impastrakura na nasira.
Dumiretso kami sa opal academy dahil doon kami mag memeeting.
Nalaman ko na si caloy na pala ang hari dahil lahat ng kapatid maliban kay renzo ay patay na pati na rin ang hari.
Halata sa kanila na nahihirapan silang solusyonan ang problema.
Nakita ko rin yung iba kong mga kaklase pero yung iba patay na rin.
Halos hindi na makilala ang dating procyon.
"Pag nagpatuloy ito ay baka masakop na itong bansa natin ng nga terorista at sila na ang mamuno rito at tiyak ko na mas marami pa ang mamamatay" si rose.
"Asan na sila mama gwen?"
"Patay na rin sila" si renzo.
"Oh my gosh!" Tanging nasabi ko na lang.
"Kaya nga kailangan nating mapigilan ito!" Sabi ni marcus.
"Anong gagawin natin?, magiging master ka nanamin ulit?" Si jana.
"Oo scorpio!, kaya lahat kayo humanda!, pipigilan natin itong kaguluhan na 'to!" Sabi ko.
Nagbago naman ang mga itsura nila at bumalik sila sa anyo ng mga spirit ko.
Kapansin pansin naman na parang ang lungkot ni virgo.
"Virgo!, wag kang mag alala. Babalik din tayo agad!, bilisan lang natin 'to!" Sabi ko.
Sinalubong naman kami ng hari na si caloy.
"Louis!, alam kong ikaw lang ang makakatulong samin" sabi nito.
"Wag kang mag alala d'yan!, naging mamamayan din naman ako ng bayan na 'to kaya tungkulin kong tumulong sainyo" sabi ko.
"Ihahanda ko na ang hukbong sandatahan" sabi nito.
Sila rose, renzo at marcus naman ay naghahanda silang lahat para sa mga mangyayari.
"Louis, tara baba tayo, siguro panahon na para sabihin ko kung sino ka" si janine este si libra.
Sumunod naman ako sakanya sa baba.
Napunta kami sa garden na kung saan nandoon ang statue ni mellanie castillo.Naglakad lakad kami ro'n kahit malamig ay sinundan ko pa rin si libra.
"Dati ay may isang binata na nasobrahan sa pagiging adventures!, isang araw ay napunta sya sa mundo ng mga tao. Namalagi sya ro'n ng ilang taon at umibig sya sa katulad nyang binata rin, nagmahalan sila ngunit nagalit ang ama ng binatang ito dahil isa sa mga batas na hindi ka pwedeng magmahal ng isang mahinang nilalang"
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world