Chapter 39 FOUNDATION DEATH

2.3K 129 2
                                    

Louis POV

Mabilis na sumapit ang mga araw.

Ang mga kaklase ko todo sikap para mapalakas ang mga katawan nila. Si rose mas nag eensayo pa tuwing gabi sa garden. Sila renzo at yung iba ko pang mga kaklase ay todo rin sa pagpapalakas ng mga katawan nila.

Tatlong araw rin sinarado ang arena of valor para sa gaganaping event. Napapansin namin tuwing gabi na laging may inaayos ang arena of valor maingay kasi at parang pinaghahandaan talaga ang event.

Lahat abala sa gaganaping event ng school namin. Maraming taga media na pinapasok, mga sikat na panauhin at mga tap, though di ko sila kilala pero mapapansin naman na sikat sila dahil nasa vip part sila.

Ang vip ay nahahati sa tatlo. Dilaw, asul at pula.

Siguro yung mga nasa dilaw yung mga taong may kaya or mga may kapit sa gobyerno. Asul para sa mga taong maraming mga kasamang body guard though halos lahat naman siguro ng mga vip ay may body guard pero namumukod tangi kasi sila. At ang asul na may sasampung upuan lang at di ko pa alam kung sino sino ang mga uupo doon.

Abala ako kasama ng mga ka club member ko para sa mga food na ibebenta mamaya pag nag start na ang patimpalak.

"Louis ikaw na mag repack ng mga popcorn at fries, siguraduhin lang na sakto sa timbang para di tayo malugi alam mo na para mas marami tayong matulungan" sabi ni ate beatrice.

Ang balak kasi namin na magbenta ng mga fries, popcorn, drinks at kung ano ano pa at ang malilikom naming pera at idodonate namin sa isang foundation na naglalayong tulungan ang mga batang walang tirahan sa mortal world.

Masayang masaya ako dahil isa ako sa taong napili na mamili sa mortal world nung nakaraang linggo pero di naman kami lumayo sa samar.

Si ate beatrice naman ang tumatayong leader samin dahil mas may alam sya sa ganitong gawain dahil dalawang taon na nya itong ginagawa. Di sya sumama sa patimpalal dahil alam nya raw sa sarili nya na wala raw syang binatbat sa mga kalahok. Ang ability nya kasi ay zoom kaya nyang makakita ng malapitan ang isang bagay o tao gamit ang mata nya.

Well di naman lahat sumali sa patimpalak katulad ng iba kong kaklaseng sila john, michael, jacob at emma dahil mga support type ang mga kapangyarihan nila. Si emma na assigned sa clinic doon dinadala ang nga taong sugatan. Yung iba naman ay nag aassist sa mga tao.

Well masasabi kong masaya ako sa ginagawa ko kahit di ako lumalaban dahil una sa lahat paborito ko ang magluto di nga lang masarap, pangalawa makakatulong pa kami sa mga batang mabibigyan namin ng tulong.

Bale kanya kanyang pera ang ginamit namin sa pagbili ng mga ingredients buti nalang binigyan ako ni papa brando noon at natabi ko pa at yon ang ginamit ko para sa ambag ko.

"Opo, ako na po ang bahala" sabi ko.

Bale kada year ang labanan ngayon di tulad nung magic fest ay halo. May top 10 sa freshmen, top 10 sa sophomore, top 10 sa junior at top 10 sa senior.

"Ang dami nang tao sa labas!, mga mukhang mayayaman!" Sabi ni grace isa rin sa mga ka club ko.

"Oo nga eh"

"Isang oras nalang magsisimula na ang event bilisan natin para makarami tayo!" Si ate beatrice.

"Opo!" We said in unison.

Renzo's POV

Mabilis na lumipas ang bawat araw. At ngayon ang araw ng foundation day, kung papalarin sana makapasok sa top 3 pero di yon biro kasi maraming mga kalahok na mas malakas kaysa sakin.

Sad to say pero hindi makakasali yung crush kong si louis. Ang corny ahahahahah. Kasi naman si headmistress eh.

Ngayon nasa iisang room kami ng mga kaklase ko at inaantay balang yung anunsyo para sa event ngayon.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon