Chapter 17

2.7K 193 11
                                    

Louis POV

"Okay basic lang ang mechanics ng activity na to. Kailangan nyo lang makasurvive" sabi ni prof tim

"Diba ang dali!" May nilabas si prof tim na maraming belt na may pulang bilog sa gitna na may number na 100.

"Okay class! Katulad nang sinabi ko kanina na kailangan nyo lang makasurvive sa activity natin ngayon at pasado na kayo!, etong mga belt na ito ang magiging basehan ng health bar nyo pag 100 puno pa buhay nyo. May mga makakasalamuha kayong mga creature's, pero wag kayong mag alala pag bumaba sa 10% ang health bar sa belt nyo ay automatic na ma-aalis kayo sa activity. Now isuot nyo na ang belt!" Utos ni prof tim.

Agad agad naman kaming pumunta sa desk nya at sinuot ang belt sabay balik sa upuan namin.

"Lahat ba nakasuot na ng belt?"

"Opo!" We said in unison

"Okay!" Sabi ni prof tim.

Prof tim snap his hand and the settings change into a wide forest.

Ang lawak sobra ng kagubatan na 'to at ako lang mag isa, siguro nagkahiwalay hiwalay kami at sinadya yun ni prof tim.

Naglakad lakad nalang ako pero wala pa rin talaga akong makitang kaklase ko. Ilang saglit lang nakarinig ako ng parang naka megaphone na boses ni prof tim.

"May nakalimutan pala ako sabihin sainyo, kailangan nyo makasurvive sa gubat na to sa loob ng anim na minuto at pwede nyong i summon ang mga gabay/guardian nyo!, katulad nang sinabi ko sainyo kanina na di nyo na kailangan ng mana pag nagsusummon dahil guardian nyo sila, hindi spirit!. So goodluck!" Malakas na sabi ni prof tim at hindi na nagsalita pa.

Kaya nagpatuloy na ako sa paglibot sa kagubatang ito. Mahangin at payapa yung lugar at at hindi sya mainit dahil napapaligiran ng naglalakihang puno.

napag-isip isip ko kanina yung sinabi ni prof na pwede namin tawagin ang mga gabay namin pero sino sakanila?. Pero may dalawa na akong kakilala doon si libra at si leo pero ang tanong papa'no ko sila tatawagin!.

"Ay oo nga pala yung kanina si ruby yung tinawag nya yung gabay nya na isang water nymph. Pagkakatanda ko tinawag nya lang yon sa pangalan" sambit ko kahit nag iisa lang ako. Siguro pag may nakakita sa'kin iisipin nilang baliw ako.

"Sino kaya?, ahmmm alam ko na!"

"L-Leo!" Parang tangang sabi ko pero walang leo ang nagpakita.

Ilang beses ko ulit syang tinawag pero wala talagang lumabas.

Napagod din ako kaya tinigil ko muna ang pagtawag at paglalakad at umupo sa malaking ugat ng isang dambuhalang puno.

Pinagmasdan ko ang paligid at makikita mo ang kapayapaan parang wala namang mga creatures na mapanganib dito kaya madali lang makasurvive sa loob ng anim na minuto!.

Habang nagmamasid masid nakaisip ako ng paraan. Binuklat ko ang aking mga palad at inisip ko ang mga cards ko, bigla namang umilaw ang kwintas ko at nilabas nito ang mga baraha ko.

Isa isa kong pinagmasdan ang lahat ng card na may maga litrato at sulat.

The goat, capricorn.

The lamb, aries.

The centaur, Sagittarius.

The twin, gemini.

The mermaid, Aquarius.

The scorpion, scorpio.

The maiden, virgo.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon