Chapter 55 Gemini//Pisces

1.7K 124 3
                                    

Louis POV

Nagising ako sa na nasa kwarto na ako, at sariwa pa yung mga alaala na nangyari sakin kanina.

Ang saya lang dahil yung isang buwan na madudugong training nag bunga rin so far!.

Ang sakit ng batok ko!.

Di pa ko bumabangon dahil masyadong madakit din yung ulo ko at ramdam na ramdam ko yung pagod ko.

Nag antay pa ko ng ilang segundo bago ako bumangon.

Pero pabangon pa lang ako napansin kong naka-upo si marcus at yung ulo nya nasa kama at payapa itong natutulog.

Teka bakit sya do'n natulog?.

Napansin ko naman na gumalaw ito kaya dahan dahan pero nagmadali akong humiga at nagpanggap na tulog.

"Alam kong gising ka na kaya wag ka nang mag panggap" aniya.

Ang awkward naman.

Nilinis ko muna yung lalamunan ko bago ako dumilat at umupo.

"Oh ba't ka nandito?" Wala sa hulog kong tanong.

"Bakit, kwarto ko pa rin naman 'to ah"

"Ok" simpleng sagot ko.

Kahit napaka sama ng pakiramdam ko ay pinilit kong tumayo.

Dala dala ang isang unan at kumot ay plinano kong makitulog kila shane.

"Sa'n ka pupunta?" Sabi nito.

"Ano bang pake mo?"

"Dito ka nalang muna, nagugutom ka ba" tanong nito.

Shit?, ano yon?.

Wait ang gulo ba't sya ganto?.

Hinakbang ko pa yung isa kong paa na para bang wala akong narinig pero bigla nalang nag lock yung doorknob.

"Walang aalis, tinatanong kita kung nagugutom ka ba?" Malamig nitong tanong.

Wala pa rin akong imik.

"Siguro gutom ka nga, anong gusto mong kainin?" Tanong nito.

Wag kang marupok!.

Natiis ka nya kaya wag kang marupok.

Naramdaman ko nalang na mula sa likod ay nakayakap na sya sakin.

Literal na nabato ako.

"I miss you" bulong nito sakin.

Kalma louis!.

Wag kang magiging marupok!.

Unti unti naman itong kumalas sakin.

"Kung gusto mong kumain may pagkain sa baba, hinanda ko yon habang tulog ka. Do'n ka nalang kumain" sabi nito sakin.

Di ko alam kung bakit sya ganon pero na miss ko rin sya!.

Arghhhhh!. Nakakamiss yung nga pang-aasar nya sakin!.

Nakita ko nalang yung sarili kong lumabas.

Syempre gulong gulo isip ko!.

Pinilit kong alisin yung mukha nya sa utak ko pero laging nag po-pop up nalang bigla eh!.

Nung nakapunta na ko sa kusina ay napansin ko naman yung isang table do'n, may takip yung pagkain at nung buksan ko medyo mainit init pa yung lugaw.

Dahil na rin sa gutom ay madali ko itong naubos.

Dapat bang iniwan ko sya ro'n?.

Nung naubos ko na ng tuluyan yung lugaw ay patakbo akong pumunta sa kwarto at nadatnan ko si marcus na nakahiga sa kama at tulog na tulog.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon