Louis POV
Ang kaninang maskulado at matigas na katawan mung lalaki ay parang bumalik sa dati nitong anyo at ngayon ay wala na syang malay.
"Headmistress!, baka patay na yung lalaki?!!!" Alalang tanong ko kay headmistress.
Dahan dahang umiling naman ang Headmistress bilang tugon nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa naging tugon ni headmistress.
"Ang nanalo!, jj albario!!!" Malakas na anunsyo ng host. Katulad pa rin ng dati ay nagsihiyawan ang mga tao at sinabayan pa nito ng palakpakan.
Nilibot ko naman ang paningin ko sa buong arena, yung ibang tao may mga banner na sinusuportahan ang mga manlalaro.
Bigla nanaman nag appear sa malaking screen ang mga picture ng mga kagrupo ni jj.
Nag shuffle nanaman ulit ang maraming picture at pagkatapos ay nahinto sa isang babae at isang lalaki...... si Aj!.
Umakyat naman sa stage ang dalawa. As usual si aj ang cold pa rin ng personality.
Humudyat na ang host na simula na ang laban. Isa palang summoner ang kalaban ni aj at ang guardian ng babae ay may anim na kamay at brown na brown ang kulay.
Agad na sinugod ng halimaw si aj pero dahil sa laki ng halimaw ay mabagal itong gumalaw kung kaya't mabilis na nakakakilos si aj at walang kahirap hirap nitong nakalagpas sa halimaw.He flinched his hand and suddenly the monster stop moving.
Ngayon naman ay hinarap nya na ang babaeng summoner dali dali syang lumapit dito at isang malakas na sipa. Di manlang nailagan nung babae ang sipa ni aj. Kung ako non maiilagan ko yon pero siguro ginamitan ni aj ng kapangyarihan nya yung babae kaya di nito namalayan ang nangyayari.
Tumilapon ng bahagya ang babae pero bumangon din ito kalaunan. Naglabas ito ng isang bakal na susi na nanggaling sa bulsa nito.
Magsasalalabas sana ng isang spirit yung babae pero hindi ito natuloy sa di ko malaman na dahilan.
Hindi ko na rin talaga malaman ang mga nangyayari eh, una bigla nalang tumigil yung halimaw siguro binulag ito ng aj tapos yung babae naman binulag nya rin siguro ito kaya di nya namalayan yung paparating na sipa ni aj.
"Headmistress, bakit di gamitin ng babae yung mga susi nya para makapag palabas sya ng spirit?" Walang kwentang tanong ko.
"Ano bang ginagawa mo pag pinapalabas mo si minerva?" Tanong pabalik sakin ni headmistress.
"Ahmmmm, syempre kailangan ko yung card nya sunod, tatawagin ko sya yun lang"
"Tinanggalan ni aj ang kalaban nya ng boses ngayon papano sya makakatawag pa?, isa yan sa mga kahinaan ng mga summoner naka-asa sila sa boses nila bilang pag tawag ng spirit"
"Eh bakit sakin, kaya kong tawagin sila taurus o kaya sila libra kahit sa isip ko lang"
"Kasi nga di mo lang sila basta spirit, guardian mo rin sila diba?"
"Ay oo nga pala no?, nakalimutan ko hehe. So talo na yung babae?" Sabi ko.
"Pantay lang sila, kung titignan mo, may guardian ang babaeng kalaban ni aj kaya di pa rin sya dehado. Lahat ng kapangyarihan ay may hangganan, kahit pa kay aj, dahil di ka naman kasama sa event na to ay sasabihin ko yung limitasyon ng ability ni aj"
"Yes!!"
"Hanggang tatlo lang ang kaya nyang tanggalan ng pandama, pwedeng sa isang tao kaya nyang tanggalan ang tatlong pandama nito ng sunod sunod o kaya sa iba ibang tao, o kahit sarili nya"
"Teka. Una binulag nya yung halimaw, di pa gumagalaw ang halimaw kaya di pa sya nakakaalis sa kapangyarihan ni aj, pangalawa yung babae di sya nakakapagsalita kaya sigurado akong tinanggalan nya ng boses yung babae. So may isa pa syang pwedeng tanggalan ng pandama"
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world