Rose's POV
Bwisit, ayoko ng ganto arghhhh, anytime pwede ako mawalan ng hininga sa challenge na to nakakairita!.
Lumapit naman ako sa mga ka grupo ko na ngayon ay halata sa kanila ang pagpipigil ng hininga.
Magkakahawak sila ng kamay at nakapabilog sila at ako nalang yung inaantay nila para mabuo na yung bilog kaya dali dali akong kumapit sa pagitan ni mina at jane.
"Dahil di tayo makakapagsalita ay gagamitin ko muna ang ability ko para makapagusap tayo, kailangan nating bilisan dahil kakapusin tayo ng hininga" sabi sakin nung lalaki sa isip ko. So ganito pala ang ability nya.
"So kaya ko lang gumawa ng dalawang air tank dahil masyado kong nagamit ang ability ko kanina, di ko na kaya gumawa ng marami pa" sabi naman ni jane.
Wow ang galing naman ng ability nung lalaki.
Bigla namang naglabas ng dalawang airtank si jane kaya ngayon nagkatitigan kaming walo kung sino ang gagamit non.
"Di ko kailangan ng airtank kaya kong mag shapeshift sa anumang nilalang sa tubig" sabi nung isang lalaki na ka grupo namin.
"Pero may naisip akong plano pero wag sana kayong mandidiri, kung dalawa lang ang pwedeng makagamit ng airtank kailangan ng lima sumama sakin" dagdag pa nito.
Dali dali naman itong nagtransform bilang isang balyena, hindi sya totally balyena hawig nya lang siguro my gosh!.
"Kailangan nyong pumasok sa bunganga ko para masuply-an ko kayo ng hangin di man sariwa pero hangin pa rin"
"Im sorry di po ako pwedeng pumasok dyan dahil mayroon po akong hika, di po ako makakatagal sa loob" sabi nung mina.
"Since hindi pwedeng pumasok si mina sa loob sya nalang ang magiging look out natin sa labas at magagamit natin yung ability nya para maprotektahan tayo sa nga atake sa labas" si elena.
"Papasok na ko na kaya" sabi ni jane sabay bigay yung dalawang airtank dali dali namang sinuot ni mina at ngayon ay pumunta na sya sa parteng ilong nung balyena.
"Siguro ako nalang yung na gagamit ng airtank, baka makatulong ang ability ko lalo nat may matatarik na bato tayo na dadaanan" boluntaryo kong sabi.
"Okay ngayon pumasok na tayo dahil di ko na rin kayang pigilan hininga ko" sabi ni elana.
Tumango naman ang iba sabay pasok sa bibig ng balyena samantalang ako kinabit ko muna ang airtank at tinabihan ko na si mina sa parteng ilong ng balyena.
Ngayon ay naglakbay na kami pababa dahil feeling ko nasa pinakababa yung portal eh.
"Kayo ang magiging mata namin sa labas rose at mina, magpapahinga lang ng saglit si jane at baka makagawa sya ng isa pang airtank"
Inikot naman ni mina ang mata nya sa buong paligid at pagkatapos ay huminga sya ng malalim.
Isang transparent na bagay ang pumalibot samin at sa buong balyena.
Ang galing naman ng kapangyarihan nya at sobrang ganda katulad ng kay dad.
"Teka nga lang mina akala ko kasi solid air ang kapangyarihan mo pero nakakagawa ka pa rin barrier na pwedeng pumrotekta satin" tanong ni elena.
"Ahh sabi ni headmistress unique daw yung ability ko. Kaya ko patigasin ang mga liquid form at gas form, kaya nakakagawa ako ng barrier" si mina.
"So hangin at tubig lang yung kaya mong gawing barrier?" Tanong ko rito.
"Hindi lang, kaya ko ring gawing barrier ang apoy o kahit anong bagay na hindi solid pero kailangan na enough ang solid or gas pag gumagawa ako ng barrier" si mina.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world