Chapter 24 AMBUSH!

2.4K 190 20
                                    

Louis POV

"I-seal nyo na agad si minerva, di sya pwede makatakas!" Sabi ng matandang babae.

Tumayo naman ang mga nakapulang cloak at nag oorasyon nanaman.

Samantalang ako ay naka tayo pa rin dahil di maabsorb ng utak ko ang mga nangyayari. Kasalanan to lahat ni xander!!!.

"Parang walang epekto ang seal na ginagawa natin!, di manlang sya tinatablan!" Sabi ng isa.

"Master" sabi nung babaeng may pakpak.

Sino bang tinutukoy na master nito naguguluhan nako!, bat sya nakatingin sakin!!.

Bigla namang may dumating na limang mga witch at nag cast sila ng maraming spell pero parang walang epekto sa babaeng yon!. At naglakad pa papunta sa gawi ko ng dahan dahan.

Na-estatwa naman ako sa kinatatayuan ko dahil di ko kinaya ang presensya nya. Nakakatakot, mas nakakatakot pa sa HM.

Magkaharap na kami ng babaeng may pakpak, bigla naman itong nagsalita.

"Master!" May diing sabi nito.
"H-Hindi a-ako a-ang m-maste-" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil bigla nyang dinikit ang dulo ng hintuturo nya sa kwintas ko at sa di malamang dahilan ay biglang umilaw ang kwintas ko at lumabas dito ang isang card na walang laman.

Bigla namang umilaw ang mata nung babaeng may pakpak at nagbitaw ng mga kataga.

"AKO SI MINERVA, PRINSESA NG MGA FAIRIES AY TINATANGGAP ANG KONTRATA BILANG ISANG SPIRIT NI OPHIUCHUS" sabi ni minerva.

Ang kaninang lumulutang na card ay biglang umilaw kasabay non ang pag-ilaw ni minerva at ilang sandali lang ay nawala na si minerva. Ang kaninang card na nakalutang sa ere ay unti unting nalaglag sa aking kamay.

Napansin ko naman sa card kong yon ang fairy na si minerva.

Nilibot ko ang paningin ko. Sirang dingiding mga nakacloak na walang malay at mga matang gulat na gulat.

"Pa-panong...!" Sabi ng matandang babae

"Eh. Hehehe, ma-magkano po si minerva?" Wala sa hulog kong tanong.

Bigla naman akong inakbayan ng kaninang sumugat sakin gamit ang rose petals

"Mag usap tayo don sa office ko *wink*" sabi nya.

"Ah pre" sabi ni xander sabay tanggal sa pagkakaakbay sakin. "Akin kasi to!" Sabi nya sakin.

Anong ibig sabihin non?. Akin yung damit ko, bastos pala sya eh!.

"Sumunod kayo sakin mga hijo" malumanay na sabi ng matandang babae.

yung office nila ay sobrang laki, para syang office ng company ceo ng isang company.

Nung umupo na kaming dalawa ni xander ay saka nagumpisang mag kwento ang matanda.

"Si minerva ay dating perwisyo na samin yan!, bata palang ako nung ma seal sya sa ginawang pain ng mga lolo at mga kapatid nito. Pero sa kasawiang palad ay napatay sila nung sineal nila si minerva" kwento ng matanda.

"Katulad ng sinabi sainyo kanina ni minerva, idang syang prinsesa ng mga fairies kaya ganon sya kalakas at ilang dekada na syang nandidito sa shop namin, tas dumating kayo!" Sabi ng lalaking matanda.

"Pasensya na po kasalanan po itong lahat ni xander!, sya pa yung nagpumilit pumasok!" Sisi ko kay xander na pangisi ngisi lang katabi ko!.

"pekto!, ikaw talaga sinisi mo pa mga bata!, mas maganda nga yon eh na nasa pangangalaga na sya ng isang mababait na bata at atlis wala ng threat satin" pagtatanggol ng matandang babae samin.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon