Chapter 3

4K 233 6
                                    

Brando POV

"17 years ago habang binabantayan ko ang si jason na noon ay 1 years old habang si jack naman ay nag lalaro sa kusina, wala non si michelle dahil na mamalengke sya ng uulamin namin noon ng makarinig ako ng iyak ng bata mula sa pintuan namin kaya dali dali akong pumunta sa labas at nakita kita" paliwanag ko kay louis na ngayon sya ay pinipigilang bumuhos ang mga luha nya

"Nakalagay ka non sa isang basket at may nakasabit na sayo non na isang kwintas" turo ko sa kwintas nya

"Ang ganda ng mata mo non bilugan, sobra sobrang saya ko non dahil magkakaroon nanaman ako ng panibagong anak hanggang dumating si michelle non galing palengke nung una tutol sya sa pagkupkop sayo pero dahil mapilit ako napilit ko rin sa wakas si michelle inalagaan kita dahil ang cute cue mo nung bata ka lagi kang nakikipaglaro kay nina" dugtong ko

"Pero di ko na nabantayan ang paglaki mo dahil nag focus ako sa pagpapalago ng business ko, nalaman ko lang kay nina na minamaltrato ka na pala ng mga kuya at ang mama michelle mo, pasensya na louis sa mga ginawa sayo nila" paumanhin ko sakanya

"O-Okay lang p-po papa, di naman
ma-mabibigat yung mga t-trabaho dito"
Utal utal nyang sabi

"Anak sana tanggapin mo itong offer ko sayo, alam kong papasok ka na sa sa august gusto ko sana'ng mag dorm ka para di ka na mahirapan wag ma mag alala ako na bahala sa magiging gastos mo" sabi ko sakanya

"H-Hindi n-na p-po p-papa, O-Okay lang po ako dito kaya ko naman po yung mga g-gawain dito" hikbi nyang sabi

"Hindi anak, gusto ko rin na tumayo sila sa sarili nilang paa atsaka mas mapapagtuunan mo ng atensyon yung pag aaral mo" sabi ko

"Pa okay lang po ako" sabi nya

"Pag isipan mo muna, kukuha lang ako ng kakainin mo, iwan na muna kita" sabi ko sakanya

Tango lang ang sagot nya

Kaya lumabas ako ng kwarto ni nina pagbaba ko ng hagdan nakasalubong ko yung bestfriend ni louis rose ata ang pangalan

"TITO! ASAN PO SI LOUIS!, ANONG NANGYARI SAKANYA?" aligaga nyang tanong sakin

Nakikita ko yung mata nya parang anytime papatay nakakatakot naman tong batang to!

"Nasa kwarto ni nina" sabi ko

"Salamat" sabi nito

"Akmang aakyat na si rose nang tawagin ko sya"

"Teka rose" tawag ko sakanya

"Bakit!" Sabi nito

"Ahm gusto ko lang pilitin mo si louis na mag dorm nalang instead na tumira dito para di na sya maltratuhin ng mama nya"

Lumapit naman sya sakin na matalim pa rin ang tingin

"May iooffer ako sainyo TITO!"may diing sabi nya "pano kaya kung sa bahay nalang sya tumira don di sya uutus utusan ng mga taong daig pa ang mga baldado, sila mommy at daddy na ang bahala na magpaaral sakanya at doon mas makakakapag focus sya sa pag aaral nya" matapang na sabi nito

"Sige pumapayag ako para rin sa kabutihan at kapakanan ni louis" tanging sabi ko

"Good!" Tangi nyang sabi sabay akyat sa taas kung saan ang kwarto na tinutuluyan ni louis ngayon.

Louis POV

ilang minuto lang na paglabas ni papa nakarinig naman ako ng mga yabag ng nagmamadaling paa na papunta sa kinaroroonan ko, biglang pinihit ang doorknob at tumambad sakin ang alalang alala na si rose!

"LOUIS! ANONG NANGYARI SAYO!, SINAKTAN KA BA NILA?" sigaw ni rose na ngayon ay nagmamadali papunta sa kama na hinihigaan ko

"O-Okay lang ako rose"

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon