LOUIS POV
nananatili lang kaming nanonood at nag aantay kung anong mga susunod na mangyayari.
Bigla nalang naglabas ng apoy ang kamay ni hildred at binato kay rose pero Nakagawaagad si rose ng pananggala na gawa sa lupa.
Si renzo naman ay nag papadala ng nga ice spike nya sa kalaban pero bigla bigla nalang itong bumabagsak sa lupa at nababasag.
Patuloy lang sa pagbato ng apoy si hildred kaya ang pananggala na ginawa ni rose ay agad na nasira.
"Mukhang dehado ang mga taga section 1C ah!" Sabi ni mc1.
Bigla namang dumura ng asido si richard pero umatake rin si hildred gamit ang apoy nya. Nagsalpukan ang asido at apoy kaya gumawa ito ng napakalakas na pagsabog.
Nagkaroon ng usok sa pagitan ng dalawang grupo.
Bigla namang dumura ng mga glue si richard, sinamantala ang mga usok sa paligid. Si renzo at rose naman ay nagoadala ng mga spike sa grupo nila hildred at nung humupa na ang usok aa pagitan nila hildred at rose ay napansin namin na nakadikit ang mga paa ng tatlo sa lupa.
Agad naman sinamantala ng tatlo na nakadikit ang kalaban nila sa glue ni richard at agad agad silabg gumawa ng hagdan gamit ang kaniniya nilang kapangyarihan.
ROSE POV
"BILISAN NYO AT UMAKYAT NA TAYO BAGO PA YAN MAKAWALA!" sigaw ko kila richard at renzo.
Agad agad naman kaming tumakbo pakyat sa hagdanan na ginawa ko. Nasa kalagitnaan na kami nung naramdaman namin na wala na kaming maapakan kaya pareparehas kaming nalaglag, mabuti nalang at nakagawa agad si renzo ng yelo sa paligid ng babagsakan namin kaya doon kami nagpadulas.
"Araaayy!!" Daing ko dahil sobrang sakit ng binti ko.
"Pa-Panong..... nakatakas!" Gulat na sabi ni richard.
"Masarap ba malaglag?!, ha rose!!" Sabi ng malditang chaka.
"OO napaka sarap sana maranasan mo!" Balik ko sakanya.
"May gana ka pang magsalita ng ganyan ang kalagayan mo!" Banta ni hildred sakin.
"Puro ka satsat!, bring it on bitch!" Sabi ko sakanya.
"Come'n bitch!" Si hildred.
"Rose at renzo subukan nyong ikulong sila!, gawin nyong siksik para walang silbi yung kapangyarihan ni sheena!" Sabi ni louis sa isip ko.
Nagtanguan naman kami ni renzo.
Nauna si renzo gumalaw. Gumawa sya ng box sa paligid nila hildred. Ako naman pinatungan ko ng lupa ang ginawang yelo ni renzo kaya ang ending di nanamin sila makita.
"Bilisan nyo!, gumawa na kayong dalawa ng hagdan ulit!" Sabi ni richard.
Kaya gumawa na agad ako ng hagdan na gawa sa lupa.
Aakyat palang kami ng bigla ko nalang narinig ang boses ni hildred na humihikab kaya napalingon kaming tatlo sa gawi nila hildred. Ang kaninang box kung saan namin kinulong sila hildred ay wala na!, at ang paligid nila hildred ay napapalibutan ng mga buhangin.
"Rose!, yung lalaking may brown na buhok ang may gawa non!, kaya nyang gawing buhangin ang mga nadikitan ng kamay nya!, mag ingat kayo!" sabi ni louis sakin.
"Mag ingat kayo!" Babala ko sa dalawa.
Bigla nalang nagpadala ng malalaking bolang apoy si hildred kaya agad agad kaming umiwas para lang di kami matamaan.
"Anong plano!?" Tanong ni richard sakin.
"Sangayon wala pa!, kailangan lang natin iwasan yung mga atake ni hildred!" Sabi ni renzo.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world