Louis POV
"Louis and xander sana kung anong nasaksihan nyo ngayong araw ay kalimutan nyo at sana walang makaka-alam ng bagay na 'to maliwanag ba!"
"At ikaw louis, si leo lang ang pwede mong palabasin lagi at kung pwede nasa antas ito ng animal beast form nya"
"pumapayag ako pero ang usapan natin!, kailangan mo yong tuparin!"
Yan ang mga paalala sakin ni HM Camilla pero di ko na nasunod dahil kay hildred at mga Kaibigan nya na walang awa.
Ngayon ay nasa harapan ko sila aries, libra, Sagittarius at virgo na nag aantay kung anong ipapautos ko sakanila. Kailangan ko maging maingat sa bawat salitang bibitawan ko dahil baka kung anong mangyari sakanila or worse mapatay sila.
Kita ko naman ang gulat sa mga mukha ng tatlo at halata rin sakanila ang takot, pero di pa rin ako nakakawala sa kapangyarihan nang guardian ni matilda.
"Master kailangan mo ba ng tulong?" Sabo ni libra.
"Oo sana" sabi ko.
Pinitik ni libra ang kamay nya kasabay non ang pag gaan ng pakiramdam ko.
Halata naman na nagulat ang guardian ni matilda sa ginawa ni libra. Sinubukan nya ulit gawin sakin ang ginawa nya kanina pero hindi na tumatalab ang kapangyarihan nya sakin.
Akma sanang tatakas ang dalawang sila hildred at matilda nang sumigaw ako.
"Pigilan nyo sila!, wag nyong hahayaang makatakas!" Malakas na utos ko.
"Aries" mahinang sabi ni libra.
Bigla namang tumalon si aries pero kalaunan ay bumagsak ito sa parehas na pwesto at nakabukas ang dalawa nyang palad.
Huminto naman sila hildred matilda kasama yung guardian nya na parang may pumipigil sakanila.
"Wag nyo nang tangkaing tumakas. Ang sinulid na ito ay pinakamatibay na sinulid sa buong mundo, isang kalabit ko lang sa mga sinulid na ito ay paniguradong patay kayo" malumanay na sabi ni aries.
Para syang amazona at ang fierce nya pa. Sa una di makikita yung sinulid nya dahil sa nipis nito nagmumukha ng transparent pero kalaunan ay mapapansin mo agad.
"Aquarius pwede mo bang pagalingin si rose, pati yung mga paso nya please!" Pagsusumamo ko.
"Sige po master!" Sabi ni Aquarius sabay punta sa gawi ni rose.
"Libra, pwede mo bang tulungan si renzo!" Sabi ko sabay turo sa gawi ni renzo.
"As you wish" sabi nya sabay turo sa gawi ni renzo. Bigla namang nakatayo na si renzo mula sa kanyang pag kakaupo at nagpagpag pa.
Tumakbo naman sya sa gawi namin.
"Ano bang nangyayari?, sino sila, akala ko ba isa palang yung spirit mo bakit andami!?" Sunod sunod na tanong ni renzo.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita "ipapaliwanag ko sainyo ang lahat pag natapos to!" Sabi ko.
"AGHHHHHHHHH!!!!! SINO KA!, ISA KA RIN BA SA KAIBIGAN NILA HILDRED?" Tili ni rose.
Tumakbo naman ako sa gawi nya para huminahon.
"Rose okay lang, kakampi natin sya" sabi ko
Huminahon naman si rose.
"Infairnes ah maganda yung skin mo!, anong gamit mo?" Sabi ng loka loka.
Di nalang sya kinibo ni Aquarius.
"Master!! Ano namang gagawin ko!" Maingay na sabi ni Sagittarius.
Si Sagittarius ay parang kalahating tao at kalahating kabayo na may nagliliwanag na kulay blue-ng pana.
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world