Renzo's POV
Sunod sunod naman ang mga taong nagsipasukan. ang hari, mangilan-ngilang mga taga media at maraming police.
"Headmistress anong nangyayari rito?" Tanong ng hari. Di ko sya matitigan sa mukha dahil di ko kayang tignan yung lalaking naglagay samin ng nanay ko sa alanganing sitwasyon.
Buti nalang at medyo nahimas-masan na si louis at ngayon ay nakatayo na sya kaya tumayo na rin ako.
Nagbigay kami ng galang nila Headmistress, rose, louis at dalawa pang master professor sa hari.
"Mahal na hari, kanina may narinig akong dalawang tao rito sa loob at nakita ko nalang yung dugu—" di na pinatuloy ni headmistress pasalitain si louis at umabante ito palapit sa hari.
"Ganyan ka na ba magbigay ng galang sakin?, ha benjamin?, puro ba kahambugan ang mga tinuturo sayo sa loob ng palasyo?"
"Pasensya na po headmistress camilla" paghingi ng tawad ni king benjamin.
"Pero po, obligasyon ko po kasi ang nasasakupan ko kaya ano pong nangyari rito?" Tanong ni headmistress.
"Na set up nanaman si louis, wala pa kong lead kung sino ang taong nasa likod nito. pero sigurado akong walang kinalaman dito si louis" kampanteng sabi ni headmistress.
Napatingin naman ako sa hepe ng pulisya na ngayon ay parang hindi sang-ayon sa sinabi ni headmistress. Lumapit pa ito sa hari at may binulong.
"Naririnig ko kayo. Geraldo, di ka ba nagtitiwala sakin?"
"Hindi naman po sa gano—"
"Hanggang ngayon pinagtatakpan mo pa rin sya Headmistress?, una si hildred ngayon si sheena?" Sabi nung pamilyar na boses.
Oh shit!, eto na nga yung sinasabi ko eh!. Please wag ka na makigulo rito!.
Agad agad ko naman na binulungan si louis.
"Ahm siguro louis makakabuti kung papalabasin mo si minerva para incase lang na sugurin nanaman tayo ni matilda" suggest ko.
"Andyan naman si headmistress kaya nya naman tayong protaktahan" sabi ni rose.
"Hindi natin sure, marami yan!, at malalakas pa" sabi ni renzo.
"May point ka, louis, palabasin mo na si minerva ng palihim kilala ko yang babaeng yan di yan papayag na walang ganti" sabi dagdag ni rose.
Ilang segundo lang ang lumipas ng bigla nalang lumipad mula sa likod ni louis si minerva, katulad ng dati ay maliit pa rin ito.
"Matilda nababasa ko isip ni louis, at nakikita ko rin ang mga nangyayari sakanya simula nung napunta sya rito, nagsasabi ng totoo si headmistress" sabi nang babae sa likod at di ako nagkakamaling si mae yon.
"Wag kang makigulo rito please lang!, wag mo na ring pagtanggol pa si louis!, hindi ako tanga o bobo na maniniwala sainyo!, halata naman diba?, may galit ka samin louis kaya iniisa isa mo kami!. Kung una medyo napaniwala mo yung ibang tao pwes hindi ako!"
"Matilda!, huminahon ka?. Hindi ka ba naniniwala sakin?" Tanong ni headmistress.
"Naniniwala?, dati, DATI!, ngayon may pinapanigan ka na!, kitang kita mo naman na si louis ang gumawa!, andyan na yung mga ebidensya at idagdag mo pa yung malaking galit ni louis samin!, ngayon satingin mo maniniwala pa ko sayo?" Si matilda.
Kita naman na naluha sya sa mga sinabi nya.
"Headmistress, pasensya na po pero kailangan naming dalhin si louis, sa kulungan sya mananatili habang nililitis sya"
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world