Louis POV
"Anong ginagawa mo dito?" pagtataray kong tanong kay jeric na ngayon ay nasa harapan ng dorm ko
"Gusto ko lang kayo makita ni rose" sabi nya
"Kung gusto mo makita si rose nasa kabilang room sya katukin mo nalang" akmang isasarado ko na ang pintuan ng pigilan ito ng kamay nya
"Hoy louis! teka nga lang, sinusundo ko kayo dahil mag aalas syete na at baka di nyo alam na oras na para sa hapunan at panapunta ako dito ni HM camilla para may kasabay kayo papunta sa dining hall. Suotin mo na rin yung cloak mo dahil required yon sa dining hall" mahabang sabi ni jeric
"Bat di mo kasi agad sinabi may pa sabi sabi ka pa ng 'gusto ko lang kayo makita'" pag tataray ko sakanya "antayin mo nalang ako dyan sa labas at kukunin ko lang yung cloak ko" sabay sarado ng pintuan pero pinigilan nya pa rin yung pinto gamit ang kamay nya
"Gusto kong pumasok!" Sabi nya
"For your information mr. Jeric De Guzman, pang number 13 sa rules and regulation ng academyna ito na if any person enter to your room without your consent is called trespassing at pwede kang mag community service ng 2 hanggang 30 na araw o ma expell sa axademy na ito, hindi mo naman gusto na mapatalsik sa academy na ito hindi ba mr. Jeric De Guzman?" Sarcastikong tanong sakanya wala naman akong nakuhang sagot
"Good kaya tumabi ka dyan" sabay sarado ng pinto
Sinuot ko ang black na cloak at sinabit ang pin na kulay green sa kaliwang dibdib ko at lumabas ng kwarto
Nakita ko naman sila rose at jeric sa labas ng kwarto ko"Tara na at mag aalas syete na may mahalagang anunsyo pa si HM sa dining hall" sabi ni jeric sabay lakad.
May mga nakikita akong estudyante na na nakatingin samin at nagbubulungan, yung iba parang wala namang pake pero yung iba tinitingnan kami mula ulo hanggang paa kaya naiilang ako kaya bumulong ako kay rose
"Ah. Rose bat ganyan sila makatingin satin sakakailang?" Tanong ko
"Ah ewan ko basta ako ini-enjoy ko nalang baka masyadong nagagandahan sakin" taas noong sagot ng ipokrita
"Ang hangin mo talaga" sabi ko
"Wag nyo nalang silang pansinin, naiingit lang yang mga yan!" Mayabang na sabi ni jeric na ngayon ay nauuna samin kaya hinabol ko sya kaya nahuhuli si rose
"Bat sila naiinggit?" Tanong ko
Nakita ko naman si rose na humabol so napapagitnaan namin si jeric
"Dahil kasama nyo ko!" Mayabang na sabi ng ipokrito
Kaya binatukan ko sya, kaya mas lumakas ang bulungan
"Oh my gosh girl nakita mo ba yung ginawa ng baklang yon sa jowa mo"
"Bat nya binatukan ang boyfie ko yari sakin yang bakla na yan"
"Close ba sila bat hinahayaan lang ni jeric na ginaganyan sya"
"Kung ako nyan pinahiya ko na yan"
Yan lang ang ilan sa mga naririnig kong bulungan
"Bat mo naman ako hinampas ang sakit non ah!" Sabi ni jeric na ngayon ay nakahawak sa ulo nya
"Nag tatanong ako ng maayos ka hanginan yung sinagot mo" mahina kong sabi
"Totoo yung sinabi ko, alam mo ba kung bakit wala akong pin sa cloak ko?" Tanong nya sakin
nakita ko si rose sa gilid nya tumatawa
"Bakit?"
"Kasi bukod sa GWAPO AKO, galing din ako sa special class" sagot nya
BINABASA MO ANG
OPAL ACADEMY
FantasyOPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world