Chapter 33 MIND BENDER!

2.2K 155 5
                                    

Louis POV

Nagbago yung anyo nya at nag isa sila ng guardian nya!.

Pwede pala yon!, bat di sinabi samin ni prof tim?.

"Handa ka na ba?" Tanong nya sakin/ tanong nila sakin, parang dalawa dalawa kasi yung nag sasalita at nag eecho pa tapos yung boses pa nila ang lalim sobra!.

Lugi ako nito ah!.

"Card of the fairy!" Biglang lumabas yung card ni minerva. "Labas minerva" tawag ko kay minerva.

Shit. buti nakayanan ng katawan ko si minervA.

Di naman kasi pwedeng isummon ko si cancer edi lagot ako kay hm kahit wala syang pakialam!.

"Tatlong spirit!?" Pangmamaliit sakin nung lalaking may itsu.

Ang yabang nya naman!, pasalamat sya di pwedeng itodo kapangyarihan ng tatlo kundi pulbos na to!, pogi pa naman sana!. Aishhhh.

"Kayong tatlo!, kailangan nyo lang na protektahan ako sa loob ng limang minuto!. Maliwanag ba?"

Tumango naman sila bilang pag sang ayon.

Bigla namang sumugod yung lalaki at di ko lang namalayan na nasa harapan ko na to!.

"Hi" bati nya sakin sabay hampas ng espada nya sakin.

Shit di na ko makailag.

Bigla namang nagpatugtog ng flute si minerva at nagkaroon ng transparent na bagay na pumpoprotekta sakin.

Shit muntik na ko don ah!.

Nung sandaling tinamaan nung lalaki ang pananggala ko ay tumalbog lang ang espada nito na parang bula kaya dali dali syang umalis sa kinaroroonan nya.

"Leo, taurus!, wag nyo syang hayaang makalapit ulit sakin!" Kausap ko sakanila.

"Opo master!" Sabi nilang dalawa.

Tumango naman ako sakanila.

"Master mabilis lang ang kilos ng babaeng yan pero wala syang kapangyarihan. Magaling lang sya sa pakikipaglaban gamit ang espada nya" sabi ni minerva sa utak ko.

So close combat sya malakas, pero kung lalaban ako gamit yung baril ay walang silbi yung pananggala na ginawa ni minerva sakinpara protektahan ako at baka ipiputok ko pa lang yung baril ay baka nakaiwas na sya agad dahil sa bilis ng pag kilos nya.

Mahirap nga kalaban to!.

"May plano ako pero di ko Alam kung effective!" Kausap ko sakanila.

"Sige lang master!" Si leo.

"KailangAn nyong mapuno Ang paligid ng usok at pagkatapos non saka tayo kikilos. Eto Ang plano....." sabi ko.

Tumango naman sila bilang tugon sakin.

Naglabas ulit ng mga energy ball sila taurus at leo pero pinapatama lang nila sa lupa kaya nagkaroon ng makapal na usok sa pagitan namin.

"Ngayon nA!" Hudyat ko kaya kumilos na rin sila ayon sa pinagusapan.

Pumunta sa kaliwa si leo, sa kanan si taurus samantalang si minerva naman ay lumipad pataas.

Tianggal na ni minerva yung barrier na pumoptotekta sakin kaya madali akong nakakilos.

Nung pumasok na ko sa makapal na usok ay wala akong masyadong makita kaya hinanda ko yung sarili ko.

Trinansform ko yung ballpen ko into katana at pinakitamdaman yung paligid.

Narinig ko naman yung mga pagsabog sa gawing gitna kaya tumakbo ako papunta doon.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon