Chapter 53 LQ

1.7K 115 4
                                    

Louis POV

"Hoy sis!, ba't ka tumatakbo?" Tanong ni andi.

Sya nalang pala naiwang naglilinis dito.

"Sinusundan ko si marcus!" Sabi ko.

"Huh?, marcus?, wala namang dumaan ditong marcus?"

"Papanong wala!, kakalabas nya lang!" Sabi ko.

"Kanina pa ko rito walang marcus na dumaan"

"Kakalabas lang non ah" libot ko ng paningin.

"Teka teka nga lang!, LQ?" Nakangiting sabi nito.

"Gagi hindi!, basta!" Naiiritang sabi ko.

"Ok sabi mo eh"

"Wait!, ba't ko nga pala yon susundan?, wala naman akong dapat sabihin.... pero ang pangit lang kasi na umamin sya kanina sakin, pero kasi parang ang awkward naman non?!, arghhhh ang gulo!" Bulong ko sa tabi

"Ano bang pinagsasabi mo?, Ang gulo mo!" Sabi ni andi.

"Ba't ikaw na nga lang pala mag isa?" Tanong ko.

"Iniwanan ako!, AHAHHAHA" natatawang sabi ni andi.

"Tulungan na nga kita!" Sabi ko.

"Papano si marcus?"

"Pabayaan mo yon" sabi ko.

Inabot kami siguro ng kalahating oras sa 2nd floor lang at isang oras sa ground floor dahil ang daming alikabok!.

Ngayon naka upo kami sa sofa at umiinom ng tubig na malamig at sobrang refreshing sa pakiramdam!.

Di ko na iniinda ang mga nakatingin sakin basta ako naka hilata lang ako.

"Louis!" Bati sakin ni jerome na papalapit samin.

"Oyyy jerome!, kauwi mo lang?" Tanong ko.

"Oo eh!, alam mo bang nagkakagulo na sa school dahil baka bumalik ka at isa kang banta sakanila" sabi ni jerome na kinalungkot ko.

Mag iisang buwan na pala simula nung pinagbintangan ako.

Napahinga nalang ako ng malalim sa narinig ko.

Si jerome at si aj ay malayang nakakalabas at nakakapasok sa school pag pasukan at uwian dahil may sinubmit silang request sa headmistress na pwedeng maglabas pasok sa tuwing araw ng pasukan though meron pa rin naman silang dorm do'n.

"Oh i see, by the way kamusta mga kaklase natin?, na-miss ba nila ako?" Malungkot kong tanong.

"Suuus yung mga yon?, lahat sila tingin sayo kriminal, alam mo na di nila kinilala kung sino ka talaga. Ang hirap lang na andami mong tinulong sa iba halos ibigay mo na lahat ng oras mo sakanila pero at the end of the day masama pa rin tingin nila sayo" mga salitang sinabi ni jerome na mas lalong nagpalugmok saakin.

Kinagat ko nalang yung ibabang bahagi ng labi ko hanggang sa may malasahan akong dugo para manlang wag pumatak yung mga luha ko.

Ganon nalang ba talaga tingin sakin?.

Ang hirap naman ng sitwasyon ko.

"Ah oo nga eh" reply ko.

"Oh sya mauuna na ko, may pinapagawa pa kasi samin si miranda" si jerome.

Nginitian ko lang sya bilang tugon ko.

Dumaan naman si aj at katulad pa rin ng dati ay napakalamig nito kung makitungo.

"Sis, alam kong di ka okay" bulong sakin ni andi.

Yung kaninang pinipigilan kong luha ay umagos, dali dali kong niyakap si andi at sa likod nya ko umiyak.

OPAL ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon