"Pinapatawag ka sa office," tawag ni.. Nung amy,
"Salamat amy." Ngiti ko dito. Nakita ko naman na gulat na gulat ito.
"Paano mo?" Tanong niya.
"Ewan, deja vu?" Simpleng saad ko at naglakad na papunta sa office ni sela.
Nakasunod lang sa akin si amy.
"Hindi diyan, sa guidance office ka pupunta." Pagturo niya sa kabilang daan.
Napa- 'oh' nalang ako.
"Teka, anong ginawa ko?" Tanong ko sa kanya.
"Last time nag-cutting kayo. Madaming nakakita sa inyo sa seven eleven,"
"Huh? Anong pinagsasasabi mo? Wala naman talagang pasok,"
"Yun lang ang akala mo."
Naguluhan naman ako sa mga pinagsasasabi niya.
"Pero nakita ko si president na lumabas ng school! Akala ko uwian na?" Pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Nakita mo ba yung binili niya?" Tanong niya, umiling ako.
"Yun yung dahilan. Kung ayaw mong sumama. Ipatawag mo nalang yung mga magulang mo, pinatawag na rin yung mga magulang ni rans," sabi niya at umalis.
Bumalik naman ako sa classroom ng tulala dahil hindi ako makapaniwalang mangyayari 'to.
"Swerte," bulong ni rans na may halong pang-aasar.
"Wag mo ko kausapin," tampo ko.
"Hey, ate abby, may request sana ako." Sabi niya habang pinagdudugtong ang mga daliri nito.
"Ano," iritang tanong ko.
"Alam mo ba na pwede mong makita si sela sa guidance office?" 'Di kaagad ako naniwala dahil base sa tono niya, nang-uuto nanaman.
"Go, wag mo ko idamay." Pantataray ko rito.
"Tsaka, 'di mo ba alam? Wala yung tunay na guidance officer. Kaya ang President ang nandoon." Hindi ako makapaniwalang magpapauto ako sa isang 'to.
"Talaga?" Tanong ko ngunit nakaharap pa rin sa harapan.
"Oum, tara, sure ako matutuwa ka!"
Dahil dakilang marupok ako um-oo nalang ako.
"Yosh!"
Lunch break.
"Tara na!" Bigla kaagad akong hinila ni rans palabas ng room.
"Sandali! Nagmamadali ka? May ka-date ka?!" Hingal na sambit ko.
"Ako wala, ikaw mayroon," nagtaka naman ako sa mga sinabi niya.
"Ako? Teka!" Sigaw ko nang hatakin niya nanaman ako..
Kinakaladkad na niya yata ako eh?!
"Yosh! Andito na tayo,"
Nasa.... Court kami eh?
"Iuuntog na talaga kita pag hindi mo 'to pinaliwanag," banta ko rito.
Ngunit hindi lang ako nito pinansin. Nagmasid pa ito sa paligid na para bang may hinahanap na kung ano.
"Ayun! President! Dito!" Tawag niya.
President?
"Hoy, babatukan na talaga kita!" Umilag lang ito dahilan upang bumangga ako kay sela.