"Sela!" Pagyakap ko kay Sela. Nagsipatak ang mga luha ng makita ang kalagayan niya. Nakahiga siya sa kama. Walang malay. Sinubukan ko siyang kausapin kahit na 'di niya ko maririnig.
"Sela, alam kong marami akong pagkukulang. Kaya sana, mapatawad mo ko." Sabi ko bago tuluyang tumulo ang lahat ng luha ko.
"Kulang pa pala 'yung pagmamahal na binigay ko sa'yo kaya sana mapatawad mo ko" pag-iyak ko.
"Mahal kita, nakalimutan ko na mas mahal mo pala ko kaya sana. Sana, gumising kana please?"
"Sela, mahal na mahal kita! Pakiusap! Gumising kana!" Bumuhos na lahat ng luha ko, hinawakan ko mukha niya upang pagmasdan ito.
"Ang ganda mo,"
Hinaplos ko naman ang mga buhok nito.
"Mahal kita,"
Pinagmasdan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.
"A-ayaw kong m-mawala ka,"
Hinawakan ko naman ang kamay niya at itinapat ko ito sa puso ko.
"Ramdam mo ba 'yung tibok ng puso ko? Mabilis pa rin 'di ba? Kasi, alam mo ba? Nung dumating ka, lagi nalang 'yan tumitibok ng mabilis" pag ngiti ko habang umiiyak.
Niyakap ko siya at hinalikan sa labi.
"Kung gising ka? Sasabihin mo saakin na lumagpas ako ng five seconds, tapos babawiin mo 'yung five seconds para lang mahalikan mo ko ulit" napangiti ako ng mapait.
Pinagmasdan ko ulit ang mukha niya.
"Gusto ko ulit makita 'yang mga ngiti mo"
"Kaya sana, bumalik kana."
Tumayo ako at tsaka lumabas para umalis. Iyak lang ako ng iyak habang nagmamaneho ng kotse.
Kasalanan ko 'to!
Hinampas ko ng napaka-lakas ang manibela sa inis.
~
"'Di ka ba pupunta sa libing?"
"'Di na"
"Huh? Ba't naman?"
"Mas lalo lang siya maiinis saakin pag dumating ako doon"
"Huh? Paano mo naman nasabi?"
"Feel ko lang"
"Seryoso ka talaga?"
"Oo nga, sige na ba-bye sainyo guys!"
"Bye bye"
Naisipan kong 'di na dumalo doon baka mas ma-guilty pa ko. Dito nalang ako sa hotel matutulog, baka sakaling guminhawa ang pakiramdam ko.
"Babe, nag-kape kana?"
"Huh? Oh, good morning" ngiting bati ko rito.
"Good morning din." Sabi niya at kumuha ng toast bread.
"'Di ka ba talaga pupunta 'don? Paano si Sela?" Nag-aalalang tanong niya.
"It'll be fine." Sagot ko.
"Are you sure? Baka magsisi ka?"
"Hindi nga,"
"Eh ba't naman?"
"Kasi hanggang ngayon, guilty pa rin ako. Gets mo?"
"Sorry naman! Galit kaagad eh" sabi niya at lumapit para yakapin ako.
"Mahal kita, Abby," yakap niya saakin habang nakaupo kami sa kama.
"Mahal din kita, Sela,"
SeBy///'<3'/// complete.