SeBy///Really???/// part 4

142 12 0
                                    

3 weeks later.

Hindi na kami nagpapansinan ni sela.. Sa tingin ko sobrang awkward kung kakausapin ko siya.

Pero hindi eh, sabi ng puso ko kausapin ko daw siya..

Pero paano?

"Woi! Tagal mo na kong hindi pinapakopya ah?" Sabi ni rans habang kumakain sa canteen.

"Sorry, may mga ginagawa kasi ako." Simpleng sabi ko.

"Tulad ng? Wala namang masyadong assignments ah?" Sabi niya.

"Oo, pero hindi tungkol doon," sabi ko sa kanya.

"Huh? Eh saan?" Tanong niya ulit.

"Kay sela,"

Napatulala siya saglit bago magsalita.

"Okay, ako na bahala," sabi niya ng walang emosyon sa mukha.

Hmm, weird? Ngayon ko lang siyang nakitang ganoon, bakit kaya?

~

Nang makauwi na, agad kong nakita na may tao sa sala kaya sa likod ako ng bahay pumasok.

Nang makalabas ang tao, tsaka lang ako pumasok.

Nakita ko si mama na may kasamang ibang babae sa sala. Nang makita ako ni mama tinapik niya ang sofa para doon ako paupoin.

Nakatingin lang ako sa sahig ng biglang may humawak sa braso ko.

"Hi" ngiting bati ng babae.

"She's your sister," sabi ni mama.

"Huh? Pero 'di kita nakitang nanganak ma?" Takang tanong ko.

"Cousin, Common sense abelaine." Panenermon niya.

Tiningnan ko naman ng mabuti ang babaeng nakahawak ngayon sa braso ko. Diniditalye ang bawat sulok ng mukha nito.

"Are you... Really my sister?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, i am!" Masayang sagot niya.

"Then, what's your name?" Tanong ko sa kanya.

"Coleen Trinidad." Sagot niya habang nakangiti.

"Okay... Basta wag ka masyadong clingy," sabi ko, tumango tango lang ito.

~

"Ha??? Paanong???" Gulat na sabi ni rans. Pagkapasok naming dalawa ni coleen..

"Oh?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kapatid mo yan?!" Pathetic na saad niya.

"What's the matter?" Tanong ko nilingon ko naman si coleen pero napapalibutan na ito ng mga lalake at mga babae.

Bumulong naman sa akin si rans

"Sikat siya sa social media, hindi mo ba alam?! Try mo kasi magbukas ng facebook mo paminsan minsan!" Bulong nito.

"Eh... Madami ako kaaway sa account ko," pagkamot ko sa batok ko.

"Sira! E 'di gumawa ka ng bago!" Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas nito manermon.

"'Di mo ko kailangan bingihin," sabi ko. Nagsimula na ang klase at naupo na ang lahat.

Doon banda nakaupo si coleen kila...

Shoot, baket sa tabi pa nila..

"Hi coleen,"

Gabb!

"Hi po sa' yo ate gabb" umacting naman ng ouch si gabb.

"Coleen, alam mo ba? Kapag si gabb yung kasama mo? Palagi kang dadalhan ng bulaklak niyan!" Pangungulit ni dana.

Tss, baka palagi kang dadalhan ng kabit.

"Talaga? How nice!" Ngiting sambit pa ni coleen.

Nako coleen! Wag ka pauuto!

"Gusto mo ma-try? Pwede naman, hatid kita mamaya?" Shoot! Sobrang speed talaga nitong babaerong gabbo na 'to! Ngiting wagi pa!

"Ah, hindi po pwede ih, kasama ko po yung ate ko." Sabi niya. Mukha naman binagsakan ng langit si gabb.

"Sino ba yung ate mo?" Tanong ni dana.

(Ouch)..

"Si ate abby po," kumaway naman ito sa akin nginitian ko lang ito. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni gabb at tumingin sa akin. Yung tingin na

'Pwede ko ba siya ihatid sa bahay nyo?' Look

Sinagot ko naman ito ng

'Asa ka, maghanap ka nalang iba kundi sasapakin kita,' look.

Nawala naman ang ngiti nito sa mukha.

"Sige, coleen," pagpapabebe nito kay coleen.

Kapal,

Medyo rumupok naman si coleen kaya hinimas himas nito ang likod ni gabb.

Kapal!!!!

"Tapos na kayo magdaldalan?" Paninita ni ma'am.

Yan, buti nga.

SeBy///Really?/// part 4

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now