A Demon, Colors and Demons: Railway, Those Eyes i Met Months Ago (Movie) Full
~
Months passed. Ilang beses na kong tumakas sa mga pulis sa mga pagpatay ko. Hindi ako nakokonsensya sa mga pinapatay ko dahil sa hindi ko naman sila ka-ano ano.
Habang naglalakad sa madilim na eskinita malapit sa sakayan ng bus ay naupo ako sa isang poste. Naghihintay ako sa taong dadaan para kumain. Hindi ako basta basta nakakakain dahil minsan ay ayaw nila sumama sa akin. Binuksan ko ang phone ko at nakinig ng balita.
'Apat na babae, natagpuang patay sa inburnal, ayon sa mga nakatira dito ay may ilang residente silang pinaghihinalaan na pumapatay sa lugar na 'to. Hindi pa sigurado ang mga pulis kung sino ito dahil halos lahat ng mga bangkay ay walang anumang bahid ng fingerprint. Makikita din sa autopsy na hindi basta basta ang pagpatay. Kaya kung may makita man kayong kahina-hinala. Ipagpaalam niyo ito sa mga pulis, yun lamang po,'
Naging static ang radyo na nasa phone ko kaya tumayo ako para magpatuloy sa paglalakad.
Ilang sandali lang ay bigla akong napa-atras ng bigla kong maalala ang pangalan ni Yuyi. Naglalakad lang ako hanggang sa may isang babaeng lasing ang nakabungguan ko. Habang tumatayo ako ay inabot niya ang mga kamay niya para tulungan ako. Inabot ko iyon at tinulungan niya kong tumayo. Nagpasalamat ako sa kanya at nang mapansin ko ang mukha niya ay napansin kong pamilyar ito.
Hindi ko napigilan ang gutom ko at niyakap siya.
"Thanks," sabi at kinain siya ng buo. Hindi ko pwedeng mag-iwan ng kahit na ano dahil baka magtaka na ang mga nakatira malapit dito. Isa pa, kaunti lang ang cctv sa lugar na 'to. At nandito ako ngayon sa eskinita na walang cctv. Pero maraming nakatira. Ilang sandali lang ay tumulo ang dugo sa bibig ko. Ginamit ko ang hinlalaki ko para punasan iyon. Sinipsip ko pa ito.
Ilang sandali lang ay bigla akong natigilan at bumalik sa normal na ako. Para akong kumakain ng hilaw na laman ng baboy dahil sa kinain ko. Sumuka ako sa lasa na nasa loob ng katawan ko. Hindi ko pa rin makontrol ang sarili ko na kumain ng buhay na tao.
Habang sumusuka sa gilid ng kalsada ay naisipan kong tumigil muna at pumasok sa convenient store na malapit. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nahilo na agad ako. Ilang sandali lang ay biglang lumabo ang mga mata ko. Kumuha ako ng carbonated drink. Babayaran ko na sana ito ng bigla akong nahimatay.
~ 3 Hours Later.
Nagising ako na hinahabol ang paghinga ko. Tumingin ako sa paligid ngunit nauntog ako sa dibdib ng isang babae. Napahiga ulit ako sa hita nito at umusog ng kaunti para makatayo. Narinig ko itong tumawa kaya sinamaan ako ng tingin.
Nang makita ng mabuti ang mukha niti ay napatitig ako ng mabuti dito.
Namula naman ito sa pagkailang.
"Uh.. Sorry, pero... Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin at pinaglaruan ang buhok nito.
"Ella.... Just Ella," sabi niya.
"Hoh? Ella? Nice name, bagay sayo," sabi ko at tumayo para umalis. Lalabas na sana ako ng hawakan ako nito sa kamay.
"T-Teka!" Pagpigil nito sa pag-alis ko.
"Bakit?" Lingon ko dito.
"Aalis ka kaagad?"
'Huh?'
"Malamang?" Namula naman ito na ikinataka ko.
"Yung binili mo.... Hindi mo man lang babayaran?" Pagpigil pa rin nito pero hanggang ngayon ay namumula pa rin ito.