UNICOCO(COLEEN)///DeadLy/// part 3

165 15 1
                                    

Brei

Dalawang araw matapos ang insidente.

"Ang tagal mong nakatulog," sabi ko sa bagong gising na si coleen.

Tumingin tingin pa ito sa paligid bago magsalita.

"Where are we?" Tanong niya.

"Sa ospital, malamang," sabi ko. Tingin lang ng tingin ito sa paligid.

"No classes?" Tanong niya.

"Meron," sabi ko. Napasimangot naman ito na ikinataka ko.

'Bakit? May masama ba kong ginawa?'

"You should go to school," sabi niya.

'Baliw ba siya?! Paano kapag may nangyari sa kanyang masama?!'

"Eh, ayoko. Baka may mangyaring masama sa' yo," pagpupumilit ko.

"Papasok ka o papasok ka?" 'Ack! Ang cute niya magtagalog!'

"Yes ma'am! Basta, inumin mo yung gamot mo ah? Tsaka nga pala," kuha ko sa pocket knife na nasa bulsa ko.

"Gamitin mo kapag kinakailangan," sabi ko at umalis na ng ospital.

Habang naglalakad ay narinig ko pa itong sumigaw sa bintana kaya nilingon ko ito.

"Thank you! Brei!" Sigaw niya.

'So dahil nakaalis na ako hayaan niyong mag-kwento ako.'

'Ako nga pala si Brei Binuya. Only child, only you. Wala akong magulang. Sa totoo lang nagkukunwari lang ako na may magulang pero ang totoo, wala. Dun sa location, galing 'yun kay miss V. Direkta niya akong tinawagan sa cellphone.'

'Kaya nandito ako ngayon.'

'Secret lang natin 'to ah? Pero ako yung bida sa kuwentong 'Slowly Dying' oh? Gulat ka ba? Ang galing ko noh?'

'Ang sakit nga lang na... Ayaw sa akin ni coleen... Nakaka... Ouch lang..'

Sa haba ng dinaldal ko hindi ko namalayan na nasa school na pala ako.

Umakyat ako papunta sa room namin. Lunch na kaya dumiretso ako sa cafeteria.

Nakasalubong ko si jaydee kaya sumabay ako rito at kinausap ito.

"Jaydee! Ano na? May balita na ba dun sa pinapagawa ko?" Tanong ko.

"H-huh? Baliw ka talaga noh? Gusto mo bang ma-expel ako?"

'Aish! Lilibre naman kita eh!'

"Sige naaa~ irereto kita kay laney, promise," sabi ko at nag-panatang makabayan pose.

"Ngayon lang ha? Sa susunod gawan mo din ako ng favor, deal?"

"Deal!"

Huminto muna kami sa art room dahil doon kami magpaplano.

'Jaydee... Pakiramdam ko matalino 'to ayaw lang niya ipahalata.'

"So... Anong plano mo?" Tanong ko.

"Ang totoo," pag-aalinlangan niya sa sasabihin niya.

"Ano?"

"Miss V is roaming around 4PM to 10PM." Panimula niya.

Tingin lang ang isinagot ko sa kanya.

"Kailangan hintayin lang natin na makaalis siya, yun lang," sabi niya. Tingin lang ulit ang sagot ko.

"The school has a tall gate, 'di ba? Kaya kailangan natin humanap ng ibang madadaanan, may alam ka bang ibang daanan?" Tanong niya.

Napaisip ako ng limang segundo bago sumagot.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now