CoLaney///Zombies Until The End/// part 1[Closed]

167 3 4
                                    

Cover in next chapter...

Cole

"Hey! Cole!" Tawag sa akin ni laney.

Papasok kami ngayon ng school at ang dami kong dala. Halos maputol na yung kanang braso ko kakabitbit nitong bag ni laney.

"Hi, goodmorning," nginitian ko ito at itinapon sa kanya yung bag niya.

"Nyah! Ang bigat! Ang bigat!" Sigaw niya at nasubsob sa daan. Hindi ko inasahang mangyayari iyon kaya inalalayan ko itong tumayo. Nang makatayo ito napansin kong nagkasugat ito sa tuhod.

Inalalayan ko ito sa malapit na bench at pinaupo siya rito.

"Sorry, hindi ko sinasadya," mukhang hindi ito nakuntento dahil inirapan ako nito.

'Sorry! Hindi ko naman alam na mangyayari 'to.'

Bumili ako ng cotton sa malapit na pharmacy at bumalik sa bench kung saan nakaupo si laney. Hindi naman ako tiningnan nito at lalo pang inirapan.

"Sorry talaga," sabi ko at binasa ang cotton gamit ang alcohol sa bag ko.

Dahan dahan ko itong ipinahid sa tuhod niya at sinabunutan ako.

'Aray! Masakit! Wag yung buhok ko!'

"Mahapdi cole! Dahan dahanin mo naman!" Binatukan pa ko ng sobrang lakas.

':) masakit'

Kahit na dinadahan dahan ko ito ay hindi ito tumitigil sa pangungurot.

Nang matapos na ay bumili ako ng band-aid at itinapal sa sugat niya.

Nagpatuloy na kaming maglakad papasok ng school. Bakat na bakat naman ang linya ng kurot niya sa uniform ko.

"Sorry cole, ang hapdi kasi ih," sabi niya at nag twinkle eyes.

'Tch! 'Di naman cute.'

"Pumasok nalang tayo,"

~

Nang makapasok ng school ay tinanggal namin ang panglabas na sapatos namin at nagpalit ng pangpasok na sapatos.

Habang naglalakad sa corridor ay madaming estudyante ang nag uusap usap.

Hindi kami magkaklase ni laney kaya humilay na ito. Ang room ko ay 3-23. Which means third floor (3) room twenty-three (23).

Pumasok ako at dumiretso sa upuan ko.

"Good morning cole," bati sa akin ni gabb.

Gabb

-cute, gwapo and siyempre matalino. Hindi lang halata pero tomboy yan si gabb. Meron pa nga yang gusto sa ibang section eh. 4-78 ata yung classroom ng crush niya eh.

"Oh? Cole! Good morning,"

Dana

-certified loyal sa girlfriend. Lagi akong nililibre tuwing lunch. Katabi ni gabb. Athlete. At higit sa lahat, girlfriend niya ang classroom president 'Jem' under nga lang.

"Cole! Bigay ko lang sa' yo 'tong notebook na hiniram ko,"

Brei

-certified matino. Hindi mo pa makikitang nakagawa ng mali yan. Lahat ng boys iniidolo siya. Masungit nga lang iyan kapag walang kailangan sa' yo. Walang boyfriend/girlfriend, study first daw eh.

"Pahiram din ako ng notebook mo cole, akin na yan!"

Lara

-stalker ni brei. Gusto si brei. Kahit saan pumunta si brei nandoon din siya. Single. Di kami close kasi ang punterya niya lang naman sa akin is yung mga gamit na hinihiram sa akin ni brei.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now