SheLice///OTW/// part 8

75 5 0
                                    

Coleen's Pov

"Seryoso?" Bulong ko kay cole habang nagkaklase.

"'Di mo nahahalata no? Maldita ka kasi," pang-aasar niya pa. Hinampas ko naman ito sa inis.

"Kita mong seryoso yung tao." Saad ko.

Dahil boring ang klase naisipan kong chikahin muna si cole. Malayo naman kami sa prof kaya imposibleng marinig niya kami.

"Pansin mo ba?" Bulong ko ulit sa kanya. Nag 'oh' naman siya.

"Si ate dana, 'di na nakikipag-usap kay gabb." Sabi ko. Tumango tango lang siya na para bang walang narinig.

"Makinig ka nga!" Paghatak ko sa kanya. Inis niya akong tinalikuran at nagsulat.

Ugh! Fine...

~

"Si ate dana, pumasok ba?" Tanong ko kay gabb.

"Nakikita mo ba siya dito? Wala 'di ba?" Malditang saad niya.

Inirapan ko nalang siya at pumunta kay cole. Ililibre naman ako niyan ni cole pag galit ako,

"Cole!!~" tawag ko dito. Lumingon ito sa akin ng saglit at tumingin sa ibang direksyon.

"Cole~" tawag ko ulit, hinahabol ang tingin niya.

"Tumingin ka nga sa mata ko!" Pagpupumilit ko.

"Cole! Libre mo ko!" Sabi ko rito. Tumango lang ito at sinimulan na naming maglakad, palabas ng school.

"Fries, milktea, burger, choco--"

"Carbonated drink." Walang emosyong saad nito.

Tumaas naman ang kilay ko dahil ngayon lang niya ko diniktahan sa iinumin ko.

"Ih~ gusto ko ng fries!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Okay." Pagsuko niya.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon pero sobrang weird niya,

Habang hinihintay ang order kong burger at fries nagpunta muna kami sa isang sulok. Nasa may convenient store kami ngayon bumibili ng 'carbonated drink'

Wala siyang sinabing dahilan kung bakit carbonated drink nalang ang iinumin ko kasi pansin ko, lutang siya.

Nang makuha ko na ang burger at fries ko agad kaming dumiretso sa van. Habang naglalakad tinanong niya ko.

"Coleen..." Pagpuputol niya sa sasabihin niya.

"Hmm? Teka ang lapit mo, layo layo ka ng konti." Pag-atras ko. Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Pakiramdam ko babagsak ako sa daan kakalayo ko sa kanya.

Maya maya lang ay nagsalita siya. Ngunit ang tanging narinig ko lang ay,

"Talaga bang... Magugustuhan mo ko kapag binili ko ang gusto mo?" Naguluhan ako sa mga sinasabi niya kaya naisipan kong umalis nalang at dumiretso sa van.

Pagkasakay ko lahat sila nakatitig lang sa akin, pinagtaasan ko sila ng kilay para itigil nila ang pagtitig nila sa akin pero lalo pa nila akong tiningnan ng masama, wala akong nagawa kung hindi ang magtanong.

"Oh? Ang sama ng tingin niyo." Pag-irap ko sa kanila.

"Saan si cole?" Tanong no alice

"Nandoon pa sa pedestrian lane." Simpleng sambit ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni ate alice, kaya napabalik ako kay cole.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nandoon pa siya.

Hinayaan niya lang akong hatakin ko siya kaya madali lang kaming nakabalik.

"Cole, anong nangyayari sa' yo?" Tanong ko sa kanya.

Tumitig naman ito sa akin at sinunggaban ako ng halik.

SheLice///OTW/// part 8

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now