Brei
"Trabaho? Malamang tapos kana, kaya nga tayo uuwi 'di ba?" Sabi niya. 'Di nalang ako nagsalita at naghintay na umandar ang jeep dahil bigla itong huminto.
Biglang may isang babaeng tumabi malapit sa akin pero hindi ko lang ito pinansin.
"Bayad po," halos malaglag ang puso ko sa kaba ng marinig ko ang boses ni lara.
Napatalon ako sa gulat ng biglang yumakap sa braso ko si faith.
Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin dahil ginulat ako nito. Nag peace sign lang siya at ngumiti.
Umakto lang ako ng normal dahil baka mapansin niyang nandito ako.
Sa sobrang titig kay lara ay palagay ko maluluha na ako.
Hindi ko namalayan na bababa na pala kami.
Pagkababa na pagkababa ko ay agad kong napansin na wala na pala sila daryll at faith.
"HAHAHA grabe yung mukha mo brei!" Tawa niya.
"Ha-ha-ha. Nakakatawa," sarkastikong tawa ko.
"Yung mukha rin ni faith!" Tawa niya ulit.
"Anong mayroon sa mukha ni faith?" Tanong ko.
"Pulang pula! Akala ko hindi ko na mapipigilan yung tawa ko, ang lupit mo brei!" Halakhak niya habang naglalakad.
'Mabilaukan ka sana habang naglalakad'
"HAHAHA--" Yan, buti nga.
Nakarating na ako sa bahay at lumiko na ng daan si jaydee. Doon pa sa pang-apat na kanto yung bahay niya.
Agad akong pumasok sa kuwarto ko. Hindi na ako kumain dahil busog pa ako sa kinain ko kaninang umaga.
Habang nagpapalit ay may naramdaman akong may humahawak sa parte ko.
"Guess who?"
'Coleen?'
"Mali ata yung hinahawakan mo, dapat ata sa mata hindi diyan." Sabi ko at ibinitaw niya ang pagkahawak niya sa parte ko.
"Ay sorry." Sabi niya at humiga sa kama ko.
Nang matapos na magbihis ay tinanong ko ito.
"Teka nga, bakit ka nandito sa bahay ko?" Tanong ko sa kanya.
"Burger fries at milk--" agad akong kumuha ng pera na nasa bulsa ko at ibinigay sa kanya.
'At ang tanga ko sa part na 'yon.'
Yun kasi yung perang natanggap ko sa trabaho.
Or in short... Yung suweldo ko.
Nilingon ko ito pero nakasimangot pa rin ito.
"Oh? Ano pang kailangan mo? Umalis kana." Sabi ko ngunit mas lalo pa ako nitong sinamangutan.
"Samahan mo ko!" Sabi niya na ikinataka ko naman.
"At baket?" Walang pakeng tanong ko.
"Paano nalang kapag may nangyari sa akin?!" Paranoid na saad niya.
"Eh bakit ka kasi pumunta rito kung alam mo sa sarili mo na hindi ligtas? Ano ka jowa ko?" Pagtataray ko.
"Pwede rin." Pagsang-ayon niya.
Wala akong nagawa kundi samahan siya.
Pumunta kami kung saan may nagtitinda ng burger fries at milktea.
Siya lang daw ang nakakaalam kung saan mayroon non kaya sumakay pa kami ng jeep para lang makapunta doon.
"Napaka-arte mo." Nasabi ko nalang habang nakasakay kami ng jeep.
Nang makababa kami ay agad siyang pumasok sa loob.
'Restaurant 'to eh!? Ako ba pinagloloko nito?!'
Pumasok at namangha dahil mayroon palang ganitong lugar na nabubuhay sa mundo.
Lumapit naman sa akin si coleen at nanghingi pa ng pera.
"Wala na kong pera. Yan lang ang pwede kong ibigay," sabi ko sa kanya. Napasimangot naman ito kaya binunot niya ang wallet niya at naglabas ng credit card.
'Tingnan mo 'to, may pera naman pala sa'kin pa manghihingi.'
"Anong gusto mo?" Tanong niya. Umiling nalang ako dahil busog pa ako sa kinain ko kaninang umaga.
"Dali na, sayang yung oras. Pili kana," pagra-rant niya.
Wala naman akong gumawa kundi pumili ng kakainin ko.
Speaking of kakainin.
'Kita.'
Yan yung mga banat sa akin ni lara.
'Ugh! Ang sakit sa heart!'
"Kahit ano," nasabi ko nalang.
"Kahit ano? It means kahit gulay?" Tumango ako.
~
Nang makuha na niya ang order niya para naman itong batang patalon talon sa tuwa nang makuha niya na yung burger fries at milktea niya.
Hinalikan naman ako nito sa pisngi dahil sa sobrang tuwa.
Namula naman ako sa ginawa niya.
'Ayos ang kilos coleen. Baka mamaya, magustuhan kita diyan.'
Kumain na ito at ako naman ay hinintay yung gulay na sinasabi niyang magugustuhan ko.
Apat na minuto akong naghintay sa gulay na sinabi ni coleen pero wala pa rin ito.
Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil curious ako sa lasa ng gulay na sinasabi niya.
"Woi, coleen. Asan na?" Tanong ko rito.
"H-huh? Ay! Kala ko gusto mo lang makita yung gulay kaya tinuro ko kung alin yung sinasabi ko, 'di mo naman sinabing kakain ka eh," nandilim naman ang paningin ko sa sinabi niya.
"Okay," nasabi ko nalang.
Tumawa naman ito ng mahina na ikinataka ko.
"Baket?" Tanong ko rito.
"Joke lang 'to naman, matagal lang 'yon maluto." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng fries.
Nagulat naman ako nang biglang i-serve sa harapan ko yung gulay na sinasabi ni coleen.
"Enjoy your food ma'am." Sabi ng waiter. Nakita ko yung gulay at natakam dahil hindi lang siya basta bastang gulay.
Marami rin itong toppings at kung ano ano pa.
Hindi ko na tinanong si coleen kung anong tawag sa dish na 'to basta kinain ko nalang.
~
Nang makauwi kami ay agad akong nagpalit ng damit at nagbihis ng pajama dahil gabi na ng makauwi kami.
Nang lumingon ako sa kanya ay natutulog na ito.
Nilapitan ko ito at tinampungan ng kumot.
"Sweetdreams." Sabi ko at natulog.
CocoBrei|Cobrei///How can i trust you?/// part 6