"Mars? You look pale? May nangyari ba?"
Nagulat naman ako ng kausapin ako ni rans.
"Ah? Oo mars, ako pa!" Pagkukunwari ko.
"O-okay?" Sabi nito at umalis.
Nasa apartment ko ngayon si rans, binisita niya ako dahil apat na araw na daw akong wala sa trabaho. Sinabihan ko naman siya na may sakit lang ako pero hindi ito nagpaawat at pumunta pa sa apartment ko.
"What do you want for lunch?" Tanong ni rans.
"Kahit ano, basta masarap." Simpleng sambit ko.
Nag-aayos ito ng pinagkainan ko kagabi. Hindi ko na kasi nalinis ang pinagkainan ko kagabi.
"Saan si sela?" Tanong niya habang nakatalikod.
Agad naman bumalik sa isip ko ang nangyari kay sela, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakalabas ng hospital.
I tried to answer like everything is normal but i couldn't help it.
"S-she's f-fine.." Utal kong saad.
Bumuntong hininga ito, lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Mars, kung may pinag-awayan kayo ni sela.. Andito lang ako para pakinggan ka," tumulo naman ang mga luha ko.
Hindi ko kayang sabihin... Natatakot ako,
Hindi ko kayang... Mawala siya..
"Its okay, pwede mo namang sabihin sa akin kapag medyo.. Alam mo na," sabi niya at bumitaw sa pagkayakap.
"This is not right, right?" Sabi ko sa kanya.
Nilingon niya ako at kumunot ang noo niya.
"What do you mean?" Tanong niya.
"This," turo ko sa puso ko.
"This freaking feeling, this is not right, 'di ba? Rans?" Sigaw ko na lalo namang ikinataka ni rans.
"Mars? Ayos ka lang ba?" Tanong niya ulit sa akin.
"Rans.. Tell me, masama ba ako?" Gulong gulo na ang utak ni rans sa mga pinagsasabi ko pero hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko.
Ako lang naman.. Ang nakakaalam.
"Of course not, teka nga mars, ayos ka lang ba?"
"Yeah maybe, i am the most bad person."
"Abby? I'll help you with sela. But, what's the point of talking like that?" Takang tanong niya.
"Rans, SELA IS--" biglang dumilim ang paligid ko, nararamdaman ko ang mga hakbang ko at rinig na rinig ko ang paghinga ko.
"Again?! How many times!" Sigaw ko.
Wala akong ibang makita kundi ang sarili ko.
Nasa malawak at madilim na lugar ako.
Nawala ako sa apartment.
This feeling i got from sela.
Sela,
Sela.
"Nandito ka ba sela!" Sigaw ko bigla namang naging puti ang paligid at ibinalik ako sa apartment. Nadatnan ko ang sarili kong nakahiga sa sofa at walang kahit na anong suot.
"What hell happened?" Tanong ko sa sarili ko. Agad naman akong nagsuot ng damit at pumunta sa hospital.
Habang naglalakad bigla namang pumasok sa isip ko kung sino ba ang pupuntahan ko sa hospital.