SeBy///Really???/// part 3

162 13 0
                                    

Tinalikuran ko lang ito at umalis napansin kong nakasunod pa rin ito sa akin kaya humarap ako sa kanya para kausapin. Nakangiti lang ito, naghihintay ng sasabihin ko.

"Sobrang clingy mo! Pwede bang tigilan mo na ko, tsaka hindi ka naman ganyan dati ah?" Sabi ko rito. Naging seryoso ang mukha nito bago bumalik sa pagngiti.

"So.. Y'all want me to be myself again? Sayang yung pagiging clingy ko sa' yo," ikinataka ko naman yung sinabi niya na 'sayang'

"Anong sayang, pwede ka namang maging ikaw kahit na wala ako." Bulong ko.

"What? Okay, goodbye then," sabi nito at umalis.

'Di ko namalayang naluluha na pala ako.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at nagsimulang maglakad pabalik.

Tulo ng tulo ang mga luha ko kaya tuloy tuloy ako sa pagpunas nito.

Wala namang dahilan para lumuha ako, ang nagiisang dahilan lang na alam ko kung bakit ako naluluha ay dahil sa hangin.

Naka balik na ko sa room na medyo madami pa rin tao. At yung luha ko wala pa rin tigil na pumapatak..

Napansin ng mga kaklase ko na umiiyak ako kaya naupo ako sa isang gilid para maupo.

"Ayos ka lang?" Sabi ng nasa harap ko.

Lumingon ako rito at napansin kong si ecka lang pala ito.

Si ecka... Si ecka lang naman yung nagiisang nanay ng classroom.. Siya lang yung sandalan namin sa classroom..

Lumapit din si Alyssa... Ate ng classroom.. Pwede ka rin sa kanya makakuha ng mga tips or advice.. Si ate alyssa rin yung naging sakripisyo namin doon sa nabasag na monitor namin.

Lumapit din si dana... Yung nagiisang loyal na babaero sa classroom... Makakahingi ka sa kanya ng advice kung paano maging loyal at babaero at the same time. Kaibigan niya rin si gabb.. Disciple ni dana si gabb... Kaya kay dana lang natuto si gabb mambabae..

Lumapit din sila joyce at aly... Magjowa sila, pero sa lahat ng magjowa... Sa kanila ka lang mapapa-sana all.. Kakaiba sila magmahalan... Kakaiba din sila magmahal kahit kabigan lang.. Kakaiba din ang pagtitiwala nila sa isa't isa... Pero kahit na ganoon alam kong may isang sekreto si aly na ayaw na ayaw niyang sabihin kay joyce... Yun ay ang crush niya si gabb.

Lumapit na rin sila grace... Close friend ko dati si grace pero nagkagalit kami noong grade 7 kami at kahit ngayon hindi pa rin mawala ang galit nito sa akin... Isa rin siya sa mga naging kaibigan ko na noon pero nakalimutan na ko ngayon..

Lumapit din si ate belle.. Ang pilyo naming classmate... Si belle.... Belle.... Lahat ng lalake sa campus inlove sa kanya... Sobrang dali niya kasing pakisamahan... At sobrang bait pa.... Kahit na sikat na siya? 'Di niya pa rin kinakalimutan ang mga kaibigan niya dito sa campus kaya umalis siya sa school niya at pumasok sa school namin para lang makasama ang mga dati niyang kaibigan... Also ecka's ex....

Isa isa lang akong naktingin sa kanila... Pero patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko...

Bakit ba ayaw mong matanggal!!!!

Pilit kong pinupunasan ito pero ayaw talaga!

Agad naman akong nakita ni rans.. Napatakbo siya sa direksyon ko at nilapitan ako.

"Anyare sa' yo? Ba't dito ka naiyak?" Imbis na i-comfort ako iniinis lang ako lalo.

Agad namang sinamaan ng tingin ang mga kaklase ko na lumapit sa akin... Kaya wala silang nagawa kundi umalis..

"Iiyak iyak ka tapos nandito ka, tara punta tayo sa bar." Binatukan ko siya... Lalo pang nang-aasar eh!

"Joke lang, ba't ka ba kasi umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya..

"Ewan ko rin," sagot ko..

"'Di naman halatang umiiyak ka eh, kasi kapag umiiyak dapat may sipon ka na eh," pang-aasar niya ulit. Binatukan ko nanaman siya ng malakas..

"Joke lang ulit, pero seryoso, bakit nga kasi?" Tanong niya.

"'Di ko nga alam," sagot ko rito.

"Pag tinanong kita ang isasagot mo 'di mo alam pero pag inasar kita babatukan mo ko, dalhin na kita sa mental bilis." Oa na saad nito.

"Bakit ba ko umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Tanong mo sa fish," hinampas hampas ko naman siya, 

Bakit ba ko umiiyak???

~

Recess na namin at hanggang ngayon umiiyak pa rin ako...

"Mars, tubig. Baka mahimatay ka kakaiyak mo," pag-abot sa akin ni rans ng tubig.. Nagtataka na rin ako kung bakit ba ko umiiyak, ni hindi ko na nga alam kung ganno na karami yung tubig na binili ko eh..

"Mars, iinom mo nalang yan. Alam ko malungkot ka, tara sasamahan na kita sa bar." Sabi niya. Hinampas ko ulit siya, pero tumawa lang ito.

"Ano ba kasing problema? Sino ba nagpaiyak sa' yo? Broken na broken ka oh, tingnan mo mata mo sa salamin." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang mata ko na magang-maga na.

"Sakit na ata yan abby. Layo layo ka muna baka mahawa ako," pabirong saad niya. Hinampas ko lang siya..

Kumain kami ng niluto ng nanay kong sausage.. Masarap..

"Masarap," tanong ko, ang healthy kasi ng baon niya.

"Mas masarap ka," pangaasar niya at nag-smirk.

"Corny mo," sabi ko.

"Wow, nagsalita ang joker." Pangaasar niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at kumain.

Napansin kong nakatitig lang ito sa akin kaya tiningnan ko kung may nalaglag akong pagkain...

Wala naman?

Lumingon ako sa likod at napanganga ng makitang papalapit si president..

Agad akong tumalikod at nagpatuloy sa pagkain..

Nilagpasan lang ako nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hoi! Wala na siya, wag ka ng oa," sabi ko.

"Nung dumaan si sela...." Pagpuputol niya ng sasabihin niya.

"Oh? Ano? Pumuti ang uwak?" Pang-aasar ko. Umiling iling ito na ikinataka ko.

"Eh ano?" Tanong ko.

"Nawala yung luha mo," manghang sabi niya.

SeBy///Really???/// part 2

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now