UNICOCO(COLEEN)///DeadLy/// part 9.1

114 10 2
                                    

Coleen

"Kain na kayo, ito oh," abot ni miss V sa plato.

"Saan kayo galing?" Tanong ni laney.

"Heh? Saan pa, sa tindahan malamang," -gabb.

'Tindahan huh!?'

"Nawala ka—–" tinakpan naman ni gabb ang bibig ni lara.

"Basta kasalanan ni gabb," busangot ni brei at naupo sa sofa. Mukhang hindi ito gutom dahil naupo lang siya sa sofa.

"Coleen oh,"  abot ni miss V ng plato.

~

7 na ng gabi.

Madilim na sa labas at lahat kami ay nasa sala. Ang iba ay nagkwe-kwentuhan at ang iba naman ay gumagawa na ng 'talambuhay,'

Mga nasa sala.

-Gabb
-Ako
-Brei
-Lara
-Laney
-Faith
-Sela
-Amy

At si miss V. Yung parents ni miss V ay natutulog na sa taas. Kami nalang ang nandito sa sala.

Kami lang ni gabb, brei, faith at lara ang gumagawa ng 'talambuhay' namin.

Nagtinginan naman kami nila lara at brei dahil mukhang isusulat namin na nawala kami kanina.

"Wag niyong subukan brei, lara, babatukan ko kayo," saad ni gabb.

'Heh? Galit kaagad? Ano bang dapat ikagalit dun?'

Mukhang nabaling ang atensyon ng iba ng magsalita si gabb.

'Tch! Kung alam niyo lang,'

"What happened gabb? May nangyari ba sa inyo ni lara at brei?" Bigla namang napalapit si laney na nanonood dun sa kabilang sofa.

"Tch! Wala ka ron," napa-atras naman siya dahil sa sobrang init ng ulo ni gabb.

Napatingin sa akin si laney at ngumiti. Lumapit ito sa akin ngunit bago pa ito makalapit ng tuluyan ay nagsalita na ko.

"I don't know a thing, leave me alone," saad ko. Napasimangot naman ito at bumalik na sa kabilang sofa.

"Fine! Secret secret pang nalalaman," busangot niya at padabog na naupo sa sofa.

~

Minutes passed at kami nalang ni brei, gabb at lara ang nasa baba. Naglatag ng foam si lara sa sahig at doon natulog.

Si gabb sa kabilang sofa malapit sa tv. Sa gitnang sofa si brei. At ako naman ay yung malapit sa pintuan.

Nagulat naman ako nang biglang dumikit si brei sa akin.

"Woi, nasaan yung goodnight kiss ko? 'Di mo ko kinakausap kanina eh," saad niya.

"Tch! Ano ka ba! Dun ka na, matulog ka na, goodnight," pabulong na sigaw ko at tinalikuran siya.

"Anu ba yan! Gabb kasi eh," pabulong na saad niya din.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagsimula ng matulog.



















~

Agad akong nagising na hinahabol ang paghinga ko.

Nagising ako sa kuwarto hindi sa sofa.

"Nasaan ako?" Tanong ko.

Napagmasdan ko ang paligid at nakahinga ng maluwag dahil nandito pa rin ako sa bahay ni miss V.

'Pero ba't mag-isa lang ako?'

"Gabb? Brei? Lara?" Tawag ko pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kuwarto. May narinig naman akong mga hakbang na sobrang lakas.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now