Rans pov
"Dude, sa tingin mo? Ba't kaya na-late gumising si alice?" Tanong ko kay abby.
"Ewan ko rin, baka renejay." Babatukan ko sana kaso senior ko 'to baka mas lalo akong mabatukan nitong kumag na 'to.
"Ah," tanging nasagot ko.
"Tawa ka, joke 'yon." Sabi niya pero cold pa rin ang tono.
Imbis na mabatukan nagkunwari nalang akong tumawa.
"Ha-Ha-Ha-Ha!" Pilit na tawa. Napansin kong ngumiti ito.
Weird,
"Ganoon na pala ko ka-funny?" Curious na tanong niya. Weird,
"Hindi, training ka pa." Pambabara ko dito.
Wala itong ibang sinagot kundi ngiti.
"Weird," tanging nasabi ko nalang.
Pumunta ako sa classroom ni coleen para ibigay or in-short (i-share) susubuan ko siya ng paborito kong ulam!
Adobo!
Tapos kapag naipatikim ko na yung adobo sa kanya, ako naman yung susubo tapos! Tapos! Tapos!
"Rans, love kamusta na?" Panira ng moment 'tong si Felix!
"Ano." Cold na saad ko.
"Nangangamusta lang," simpleng sambit niya. Hindi ko na lamang ito sinagot at pumunta na sa room ni coleen.
This is my first indirect kiss!!!!! Excited na ko!!!
Kumatok ako sa pinto kahit na bukas ito. Siyempre, para magalang.
"Go ahead" sabi ng prof nila. Dumiretso kaagad ako sa upuan ni coleen at tinapik ito. Lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Hi ate rans!" Mala-grade 1 na bati nito.
"Hi, share tayo ng pagkain ko. Baka kasi 'di ko maubos eh," sabi ko habang kinakamot ang likuran ng batok ko.
"Sure! Ano bang ulam mo?" Curious pero excited niyang tanong.
"Do you like adobo?" I curiously asked.
"Yes! Paborito ko po yan ate rans!" She cheerfully says. Agad naman akong natuwa doon.
Nang buksan ko ang baunan ko agad niya naman itong inamoy.
"Hmm.... Mukhang masarap!" Maligalig ulit na sagot nito.
"Siyempre naman! Luto ko kaya yan," proud na sambit ko.
"Uh, coleen. Subuan na kita." Nakangiting sabi ko rito. Onegai, Onegai! (Please, Please!)
"Kaya ko naman po kumain mag isa ate rans," sabi niya at tumawa.
"Kahit na! Baka mabulunan ka! Subuan nalang kita," Nag-twinkle eyes naman ako sa kanya dahilan para mapapayag ko siya.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na naka simangot si gabb.
"Say 'ahh'" pagbuka ko ng bibig niya sinunod niya naman ito at ipinasok ang kutsara na may lamang kanin at ulam sa bibig niya. Nginuya nguya niya naman ito bago magsalita.
"Masharap!" Sabi niya habang puno ang bibig. Napangiti naman ako, nung ako na ang kakain bigla nalang hinawakan ni gabb ng mahigpit ang braso ko. Nilingon ko siya at nakita ko na nanlilisik na ang mga mata niya.
Fhoe tounge ina,
"Baket?" Pagtataray ko sa kanya. Kahit ang totoo naninigas na ang buong katawan ko.
"Pwede ko bang matikman... Yung adobo," alam kong ayaw niya lang na matikman ko yung kutsara na pinagkainan ni coleen kasi nanlilisik pa rin ang mga mata niya. Para bang konting galaw ko lang sasapakin niya na ko. Ibinitaw ko ang braso ko sa kanya ngunit pilit niya pa ring inaagaw ang braso ko.
"Sabi ko... Patikim." Halos maihi na ko sa takot ng titigan ako ni gabb ng masama.
Ibinitaw ko pa rin ang braso ko at sumandok ng kanin at ulam. Namamawis na ang mga singit ko nagpapawis narin ang mga paa ko!
Ba't ba ganyan siya makatingin.
Nang isusubo ko na ito bigla nanamang inagaw ni gabb ang braso ko at nung nilingon ko siya, sobrang lapit na ng mukha niya?!
"Sabi.. Ko... P-a-t-i-k-i-m.." Nanlilisik na ang mga mata niya. Halos mawalan na ako ng malay sa mga titig niya.
Naramdaman kong gumalaw ang kutsara na hawak ko. Nang nilingon ko iyon.
POOOOO—
"Cole!!!!!!!!" Sabay na sigaw namin ni gabb.
Nag-peace sign lang siya at tumakbo palabas. Hinabol naman namin siya.
SheLice///OTW/// part 7