Abby
"Marsela Guia" tawag ni ma'am kay sela.
"Absent" sabi ng kaklase ko.
"Nanaman? Nakakarindi na talaga siya! Ugh!" Pag-gulo nito sa buhok.
Pumasok na sila Rans at Alice. Pero si sheki lang ang wala. Anong mayroon? Ba't parang ayaw na akong makita ng mga kaibigan ko?
"Nasaan si sheki?" Bulong ko kay Rans.
"Huh? Nasa bahay nagpapa-galing" sabi niya at binalik ang atensyon sa harapan. Nagpapa-galing? Don't tell me, may sakit siya?
Malamang, may sakit eh
"Tara, guys! Kain tayo!" Pag-aaya ni Alice.
Kumunot naman ang noo ko sa mga ikinikilos ni alice.
"Ba't ansama ng tingin mo? May problema ba?" Pagkamot niya sa batok niya.
"Wala naman, sobrang weird niyo na kase."
Una, si sheki.
Pangalawa, si Rans
Tapos si alice? Ano bang mayroon?
"Ba-bye!" Paalam ni rans at alice sa'kin.
Gaya ng dati nginitian ko lang sila, at tsaka naghintay sa bus stop.
"Huy!" Halos mabunggo ko ang katabi ko ng biglang bumulong si sela sa tenga ko.
"Wag mo naman ako gulatin" napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Tumawa lang siya.
"Bakit ba? 'Di naman ako multo para magulat ka" sabi niya at humalakhak.
"Sobrang clingy mo, kaya ganoon" biglang sagot ko. Napatigil naman siya, at nawalan ng reaksyon sa mukha.
"Ayos ka lang?" Tanong ko rito.
"Oo" sabi niya at ngumiti.
Sumakay ako ng bus ngunit hindi siya sumakay. 'Di ko alam kung baket, pero nakakapag taka.
Maya-maya lang nag-ring naman ang notification ko sa messenger at agaran ko itong binuksan upang malaman kung sino ang nag-chat
Marsela Guia sent you a message
Agad ko namang in-open 'yon at binasa ang mga chats niya
Sela
Asa bahay kana?
Napangiti naman ako rito. Ngunit pigil na ngiti lang.
Abelaine
Why'd you ask? Need something?
Napangiti ulit ako ng pigil, upang pigilan ang pag ngiti ko.
Sela
Ba't? Masama ba?
Abelaine
Masama, sobrang sama
Sela
E 'di sorry! 'Di na kita kukulitin!
Abelaine
Teka! Wag ka muna mag off!
Sela
At baket?
Abelaine
Kumain ka na ba?
Sela
<3
SeBy///'<3'///