CoLaney Zombies Until The End.
•
••
•••
••••
•••••
"Tol! Lika nga dito,"
"Huh? Ano ba yun?"
"Patayin daw yung tao na nandito sa rooftop,"
"Heh? Sinong gagawa nun?"
"Malamang tayo! Sino pa ba? Tayo yung nakakita ng sulat eh."
"'Di ka ba natatakot? Medyo creepy yung message eh,"
"Heh? Uh... Medyo, takte ka! Naiihi na tuloy ako! Sandali, hawakan mo muna 'tong bag ko. Iihi lang ako,"
"Sige."
"Hmm.... 'Di ko gusto 'to, pakiramdam ko dapat hindi namin pinakialaman yung sulat."
"Pre!"
"O-oh pre, bakit?"
"May kung ano akong naamoy sa cr, sa tingin ko galing sa rooftop yung amoy,"
"Huh? Baliw ka ba? Pa'no mapupunta yung amoy sa baba kung galing sa rooftop yung amoy?"
"Ewan ko, basta! Ang sangsang ng amoy eh, palagay ko dito galing, tsaka... Baka connected 'to dun sa sulat kanina,"
"Connected?"
"Ewan ko, basta! Akin na yung lockpick, subukan kong buksan 'to.
"Sige, oh,"
•
••
•••
••••
•••••
"Ayan pre, bukas na,"
"Sige, mauna na ko,"
"1/2/3..."
"Go--"
"Pre ano yan!?"
"Ewan ko pre... Teka... Dito galing yung amoy,"
"Huh!? Anong pinagsasasabi mo? Bumaba na tayo!"
"Sandali lang... Ayun tingna-- bangkay tol!"
"H-ha!? Saan?!"
"Ayun!"
"Tol, baba na tayo, ayoko na rito,"
"Sandali, yan ata yung sinabi sa sulat na papatayin natin,"
"Tol! Baba na tayo!"
"Wag ka ngang iyakin tol! Pahiram ako ng gunting,"
"Ito! Siguraduhin mong patay yan tol! Ayoko sa itsura niya,"
*Stabbed in the forehead.*
"Tol! Gumagalaw pa rin!"
"To-- Arrgh! To-- Aaagggh! To-- urrrk!"
"Tol!?-- Hayop ka!"
*Pushes*
"Tol! Ayos ka lang!?"
"Ayos la-- URRRRKK! GRRR! EERRK!"
"To-- wag! Lumayo ka sa tropa ko!"
*Catches*