Waiting for connection...
Connecting...
Connected...
Gabb
"So.. Malayo po ba yung pupuntahan ma'am?" Tanong ni laney.
"Yes, actually.. Mahaba habang biyahe rin iyun.. Aabutin lang naman tayo ng isang araw bago makapunta doon," sabi ni ma'am. Nanahimik na si laney at ako naman ay tumingin lang sa daan.
'Isang araw huh? Matagal nga 'yun,'
Umalis kami ng 6:30.
'Siguro dadating kami doon ng 1 or 3 ng umaga.'
"Boring. Suggest naman kayo ng car games," saad ni brei sa likuran.
"Car games?" Tanong ni laney.
"Yun mga simpleng laro pag nasa loob ng kotse." Sabi ni faith.
"Tama! So.. May alam ba kayong car games?" Tanong ni brei.
"Wala akong alam sa mga car games eh.." -laney.
"Eh kung maglaro nalang kayo sa mga phone niyo," sambit ko upang mapatigil sila sa pagsasalita.
"Sayang yung charge, tsaka wala kaming dalang powerbank," sabi ni brei.
"Just in case na may magtanong, wala kaming kuryente tuwing 10PM. Babalik lang kapag mga 1 or 2" sabi ni ma'am.
"10 ng gabi? Ang hirap naman ng sitwasyon niyo ma'am," sabi ni faith.
"Not really, hindi lang naman kami ang napuputulan," sabi ni ma'am. Napa 'oh' naman si laney.
"Paano po sa pagkain ma'am? Kakainin po ba namin yung dala namin?" Tanong brei.
"May mga hihintuan tayong mga jollibee bago tayo mapunta sa mismong trip. Dun muna tayo hihinto bago tayo tuluyang makaalis," sabi ni ma'am.
"Ganoon ba talaga 'yun kalayo?" Pabulong na saad ni sela pero narinig naman ng lahat.
"Anong maisusulat mo sa assignment kung hanggang sa school lang ang punta mo? Mag-isip ka nga," pagsusungit ko.
"Nagtatanong lang. Wag mainit ang ulo," sabi niya.
Hindi ko na ito pinansin at tinuon ang atensyon sa daan.
Wala pa naman kami sa mga bundok bundok at madami pa naman ang mga buildings kaya medyo nakahinga pa ako ng maluwag.
~
After five hours.
Biglang nagsabi si brei na nagugustom na daw siya. Sumang-ayon naman si faith. Parehas daw silang gutom.
Sinabihan naman sila ni ma'am na maghahanap siya ng malapit na restaurant.
Ni hindi man lang huminto si ma'am sa mga jollibee na nadadaanan namin.
'Kailangan kami pa mag-adjust?!'
"Sorry, akala ko kasi hindi niyo gusto kaya hinintay ko kayo magsalita." Sabi ni ma'am.
'Kanina pa kami gutom ma'am!'
Inihinto ni ma'am ang sasakyan at pumasok sa McDonald's.
Kami naman dito ang naiwan.
"Grabee! Gutom na talaga ko!" Padavog pang saad ni brei.
"Me too, im hungry," paghimas pa ni coleen sa tiyan niya.