SeBy///Really???/// part 2

184 13 1
                                    

"Nakaka-tamad!" Sabi ni rans at humikab.

"Wow, ikaw pa nagsabi," pang-aasar ko.

"Ah... Bili mo ko ng kahit ano," sabi niya habang nag-iiscroll sa facebook.

Nasa gilid lang kami ng kalsada naka-upo. Sa harap namin yung 7-eleven.

"Kahit candy?" Tanong ko.

"Epal ka? Malamang pagkain!" Pagdadabog niya.

"Ano ba yan, pagkain nanaman? Kakakain lang natin ah?" Lalo naman itong nagdabog.

"Ito, kunin mo," inabot niya sa akin ang 500.

"Anong ga—–"

"Bili mo ko ng pagkain bilis," sabi niya bago ako maglakad, narinig ko pang tumunog ang tiyan niya. Sumigaw naman siya ng 'bilisan mo!' Kaya napatawa ako ng bahagya.

Nang pumasok ako ng 7-eleven naglibot ako upang maghanap ng makakakain.

Nakakita ako ng chips kaso may naalala ako.

'Ah... Bili mo ko ng kahit ano,' ngumiti naman ako ng mala-demonyo.

Kahit ano huh?

Kumuha ako ng chili flavor na chips at binayaran ito sa counter. Sinigurado ko pa na ito ang pinaka-maanghang.

Nang mabayaran ko na ito lumabas na ako ng 7-eleven. Napansin ko namang nandito ulit si president.

'Di ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Tatawid na sana ako nang bigla niya kong hatakin.

"You," sabi niya sa mababang tono.

"You love me?" Pambabanat ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya nag-peace sign ako.

"Ba't kayo nagdadaldalan habang nagsasalita ako." Kalmadong sambit niya. Agad namang tumulo ang pawis sa palad ko dahil sa kaba.

"Its none of your business," sabi ko, aalis na sana ako ng hawakan nanaman niya ako sa kamay.

"So rude, now tell me, Anong pinaguusapan niyo?" Tanong niya. Agad kong pinakalma ang sarili ko at huminga ng malalim bago magsalita.

Inilapit ko ang mukha ko malapit sa may tenga niya dahil may ibubulong ako.

"Hindi lang kami ang nag-uusap. Wag lang kami yung nakikita mo," sabi ko at umalis. 'Di siya gumalaw sa puwesto niya, kaya nakahinga ako ng maluwag doon.

Nadatnan ko pa si rans na nag-cecellphone pa rin.

Hinagis ko lang sa kanya yung binili ko.

"Bastos ah," sabi niya at iniangat ang kamay.

Ikinataka ko naman ito, pero nang marealize ko yung ginagawa niya. Hinawakan ko rin ang kamay niya.

"Sukli," pagtaboy niya sa kamay ko. Padabog kong ibinigay ang sukli sa kanya.

Ngayon nakatutok pa rin ito sa cellphone niya, 'di niya iniintindi ang pagkain basta makakain lang.

Wala pa naman itong dalang tubig, hehe.

"Sarap ba?" Tanong ko sa kanya. Dampot lang siya ng dampot.

Hindi ba siya naaanghangan?

"O—–" napatigil siya sa pagkain ng bigla siyang pagpawisan.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now