UNICOCO(COLEEN)///DeadLy/// part 7.1

105 13 7
                                    

Waiting for connection...












Connecting...












Connected.









Gabb

Sa katahimikan ay bigla kong tinanong si ma'am.

"Sino po sila ma'am?" Tanong ko kay ma'am.

Tumingin ito sa akin at tumingin din doon sa dalawang babae.

"You'll know that soon," sabi niya.

Nanatiling tahimik ang biyahe dahil tulog na ang iba. Maliban nalang kay brei na naalimpungatan.

Tulo pa laway niyan.

Napansin ko sa peripheral vision ko na panay sulyap sa akin ang dalawang babae.

Si brei ay tahimik lang na nakasandal sa bintana at si coleen naman ay naka-yuko yakap yakap ang bag niya.

Ilang sandali lang ay biglang may kinuha ang isa sa mga babae na notebook at may isinulat dito.

'Ang weird nila sa totoo lang,'

Napansin kong may gustong sabihin ang dalawa sa akin dahil napuputol sila sa pagsasalita.

Ayaw siguro makaistorbo.

~

11 na ng gabi nang inihinto ni miss V ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Malapit kami sa dagat.

May malawak kang mauupuan. Pero sa ilalim non ay sobrang lalim na dagat.

'Ayaw kong mahulog diyan,'

Naupo ako sa gilid at uminom ng rootbeer.

Kaunti lang ang gising. Ako, si coleen at yung dalawang babae kanina.

Napansin kong papalapit sa akin ang dalawang babae kaya hinigop ko ang rootbeer ko dahilan para maubusan ito ng laman.

Tumabi sila sa akin ng magkabilaan.

"May kilala ka bang.. Jaydee?" Tanong ng nasa kanan ko.

"May classmate kaming ganon din ang pangalan," sabi ko.

"Then... Why is she not here?" Sabi ulit nung nasa kanan.

"May sakit, nagpaiwan siya," sabi ko.

"Pero tinawagan niya kami kanina lang," sabi ulit niya. Tiningnan ko naman ito dahil hindi pa rin ito nagpapakilala sa akin. Naramdaman niya naman iyon at napa-ayos ng upo.

"Sorry, my name is Amy, but you can call me peppa," pagpapakilala niya. Napatingin naman ako sa kaliwa ko dahilan para ipakilala niya rin ang kasama niya.

"Lara, classmate ko," sabi ni amy.

"So, ang sabi mo tinawagan ka ni jaydee?" Pag-uulit ko.

Tumango tango ito.

"Anong oras?" Tanong ko.

"Kahapon, 1 ng hapon," sabi niya.

"Kahapon? Eh ngayon lang siya nagkasakit eh," sabi ko.

"Yun na nga, hindi namin makontak yung phone niya.. Kaya nagbakasakali kaming kasama niyo siya." Sabi niya.

"Well, wala siya. Naiwan sa building kung saan kami tumitira," sabi ko at bumalik na ng sasakyan.

Masyadong malakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Ilang sandali lang ang lumipas at hindi ko namalayang nakatulog na pala ko. Nagising lang ako sa pagtapik ni coleen sa akin.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now