Brei
Agad kong dinala si coleen kung saan niya ko dati dinala.
Its 'Alice Burger.'
Its the same place kung saan kami pumunta noon ni coleen.
But until now, hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagkamatay ni faith.
It seems real. As in.
Ang amoy ng buhok niya. Ang amoy ng dugo niya.
Everything looks real.
'But.. Is it a nightmare?'
"Brei... Kiss mo ko," sabi ng lasing na si coleen.
"Nope," sabi ko at binuhat siya.
Yung piggyback na buhat ba.
'Para tuloy kaming nasa k-series.'
"Brei," sininok naman si coleen.
Imagine. Your carrying a real baby.
Like a real... Real... Baby.
Bigla naman akong hinalikan ni coleen sa pisngi.
She chuckles.
'Cute.'
'Kung panaginip lang yung nangyari kay faith.. E 'di kalimutan nalang.'
"I just want to enjoy this very moment with you," 'di ko na iniisip ang mga sinasabi ko.
Dahil ngayon, gusto ko lang ng taong makikinig sa akin.
"At ikaw lang 'yon," lingon ko sa natutulog na si coleen.
"Well, bagsak kana. Mukhang sa bahay kita matutulog." Sabi ko sa kawalan.
Ang ganda ng langit ngayon.
Pakiramdam ko bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko ang magandang mukha ni coleen.
Maybe, siya lang ang kailangan ko ngayon.
'Ngayon.'
~
Nakarating kami sa bahay ng medyo late na.
Time check 12:30 ng gabi.
Inihiga ko si coleen sa higaan, kinumutan at hinalikan ko pa ito sa pisngi.
Napangiti naman ito sa ginawa ko.
"Oyasumi (Good night)," huling sinabi ko at pumikit na.
~
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga.
Time check 5:12 ng umaga umuulan ngayon.
Nagluto ako ng itlog na sakto lang para sa pito.
Nagulat naman ako ng biglang may yumakap sa likuran ko.
"Good morning," sabi ni coleen sa malambing na tono.
"Excuse me? Jowa ba kita?" Sarkastikong tanong ko.
"Pwede rin," paghikab niya.
"B-b-b-baka!" Nakaramdam naman ako na parang bumalik ulit ako sa panahong kasama ko si coleen sa jeep.
'Tugma ang mga nangyayari..'
~
Kumain lang kami saglit bago tuluyang lumabas para pumasok. Nakaligo na kami. Suot naman ni coleen yung isa sa mga uniform ko. Ewan ko lang kung komportable siya sa uniform ko kasi alam niyo na..
'Yung height ko.. Oo na! Ako na pandak!'
Napaisip tuloy ako sa salitang panduck.
May isa kaming ka-squad na pandak din.. 'Di ko lang matandaan..