"Gabb! Samahan mo ko!" Pangungulit ni coleen.
"Bakit naman? Wag ka ngang childish ba naman 'to" inis na saad ko.
"No more buts. Sasama ka o iiyak ako?" Pagbabanta niya. Aish! Ano ba naman 'to bahala na nga
Wala na kong nagawa kundi samahan siya at ako naman 'di pa rin mawala wala sa isip ko yung nangyari kanina. Tss
Naglilibot ako dito sa cafe nitong train. Medyo malaki din naman pala 'to 'di lang basta bastang tren. Habang naglilibot ay may mga taong nakapalibot sa kanang side ng train. Ano kaya nangyari?
Lumapit ako upang malaman ang nangyari
Nagulat ako dahil merong mga alak dito. Pero di naman ako umiinom kaya sayang.
'Di ko napansing may nabangga pala akong bata. Nag sorry naman ako rito pero patuloy pa rin ito sa pag iyak. Fvck
"Pasensya ka na 'di ko sinasadya"
Maya maya lang dumating ang magulang niya at pinagalitan ako. Papa tulfo daw niya ko?!
"Miss, nag sorry na po ako at tsaka. Di ko naman po sinasadya" pagpapaumanhin ko. Ngunit 'di pa ito nakuntento at pinicturan pa ko. Kung ano anong sinasabing me-mes tapos ako naman na wala naman talagang kasalanan umalis nalang. Tinawag pa nga kong bastos e siya yung bastos, di niya nga ko pinagsasalita?
Teka pa'no nadamay si coleen sa init ng ulo ko? Meron ba ko ngayon? Imposible naman ata?