Abby
Ano bang gusto niya? Masaya na siyang nagkahiwalay kami 'di ba? Ano pa bang gusto niya?!
"Anong ako? Excuse me, sino ka ba?" Pagkukunwaring hindi ko siya kilala.
"Huh? Ah, wala." Sabi niya at tumingin ulit sa daan. Ayon sa peripheral vision ko ay naluluha siya.
At bakit naman kailangan niyang maiyak ha?
Medyo malapit na rin ako sa bahay ko kaya bumaba na ko, mas ayos ng maglakad kesa makasama siya sa loob.
Napansin kong nag 'para' siya kaya mas lalo kong binilisan ang lakad para mahirapan siyang habulin ako.
Ang rupok rupok ko sa kanya noon pero hindi na ngayon.
Kinalabit niya naman ang balikat ko upang sa kanya matuon ang atensyon ko, pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nakarating na ako sa subdivision kung saan ako nakatira at hindi na rin ako sinundan ni sela papunta rito. Sa totoo lang, para siyang batang nanlilimos sa'kin kanina. Kalabit siya ng kalabit e.
"Hi" napatalon nanaman ako sa gulat ng bigla nanaman siyang bumulong sa tenga ko. Multo ba siya! Kasi sobrang nakaka-gulat kapag bumubulong siya!
Inismaran ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Huy! Sabi ko 'Hi'" pang aagaw niya ng atensyon ko.
"I Don't care," agad akong humarap sa kanya at nakita ang suot niya. Naka t-shirt siya at suot pa rin yung palda sa school. Pero damn! Parang iba ang datingan sa'kin!
Umaayos ka nga abby!
"Hmm? Maganda ba suot ko, at natutulala ka?" Sabi niya at tumawa.
Agad naman akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero teka,
Ba't nakasunod pa rin siya sa'kin?!?
"Huy! Pansinin mo ko!" Sabi niya at umakbay sa'kin. Namula naman ang mga pisngi ko sa mga ginawa niya at tinangal ang mga braso niyang naka-akbay sa'kin.
"Iwan mo na ko," sabi ko at naglakad ng mabilis. Or in short tumakbo.
"Para ka ka-mong sira! Lam mo 'yon? Dito ka muna" paghabol niya sa'kin.
"Ano bang gusto mo ha?! Pwede bang tigilan mo na ko! At tsaka kung may sasabihin ka sabihin mo na!" Napa-nguso naman siya sa sinabi ko.
Ang clingy na niya masyado! 'Di porket ex ko siya ganyan na siya ka-clingy sa'kin!
"Abby.." Pagputol niya sa sasabihin niya.
"Hm?" Walang pakeng tanong ko.
"Comeback, please?"
SeBy///'<3'///
Credits:Gablaine Skrinidad