Make sure to click the +Aa in full zoom
Use the monospace font for the best experience.
Enjoy
"You always like foods huh?" Nagising ako ng tawagin ako ni coleen.
"'Di naman. Sakto lang," saad ko ng hindi pa rin siya tinitingnan.
"Tumingin ka naman sa akin kahit saglit lang," sabi niya at nagdabog na parang bata.
"Eh sa ayoko eh, bakit ba," umalis ako sa puwesto ko at lumabas ng mansyon.
"Panira naman, 'di dapat ako kikiligin eh," bulong ko sa sarili ko.
Hindi na ako nag-alinlangan na umalis sa mansyon at nagpatuloy nalang sa paglalakad sa pag-uwi.
Nagc-celebrate ang lahat dahil sa pagkapanalo ng buong Trinidad sa eleksyon bilang Mayor.
Lahat ng kaibigan ko pati na sila brei ay nandoon din. Except ella.
Magkaaway pa naman yung dalawang yon pagdating sa akin. De charot.
Magkasundo sila. Besties pa nga eh.
Time check 1AM ng umaga.
Habang naglalakad sa madilim na eskinita ay nakarinig ako ng mga yapak.
Kaluskos at kung ano ano pa.
"Sino ka?" Hassle na saad ko. Pagod na pagod ako at pakiramdam ko ay babagsak ako sa daan anumang oras. Hindi ko nalang pinansin ang nangyari at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na narararamdaman ko dahil parang mas gusto ko pang lingunin ang likod ko kaysa sa magpatuloy sa paglalakad.
Malapit na ako sa daan nang biglang may tumawag sa akin.
"GAAAAAAAAAAABBBBBBB~~!" Napalingon ako sa likuran ko at napasubo sa gulat ng makita ko si coleen.
"Oh?" Agad na bumalik sa normal ang mukha at emosyon ko.
"Hmp! Bakit bigla bigla ka nalang nawala?" Pagpa-pout niya.
"Ako? Excuse me? Anong pang saysay kung magi-istay pa ko doon?" Sarkastikong tanong ko.
Napanguso ulit ito na tila ba ay nagtatampo.
Seryoso, bakit ba feeling close 'tong coleen na 'to sa akin? Hindi niya ba alam na may responsibilidad na siya?
"Bakit kasi umalis ka? Hinanap pa naman ki—– N-nila, Nila okay!" Namula naman ito.
Tingin lang ang sinagot ko at nagsimula ng maglakad palabas ng eskinita.
Habang naghihintay ng sasakyan ay bigla naman akong tinawag ni coleen.
"Bakit?" Pasigaw na saad ko dahil hindi ito gumalaw sa puwesto niya kanina.
"Pag may nangyaring masama sa akin, ikaw sisihin ko!" Wag ako coleen, hindi mo ko mauuto.
"Tch!" Imbis na makipag-usap pa ako sa katulad niya ay naglakad nalang ako papauwi. Malapit lang naman eh.
Sa sobrang tahimik ay hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin sa likuran. Nagbabaka-sakaling hahabulin niya pa ko.
"Tch! Bakit pa nga ba siya susunod?" Busangot ko.
Hindi ko na napigilan ang sobrang pagkatahimik at bumalik na ulit sa eskinita. Laking gulat ko ng madatnan ko pa ito doon.
"Miss mo koooo?" Pang-aasar niya. Inirapan ko ito at naglakad pauwi.