Author: sorry po kung late ud, may isa pa po kasing story na ginagawa, sorry sa late ud. Here, short ud, nomnom"Huh? Anong oras na?" Napadilat ako at napagmasdan ang sinag ng araw.
"Gising na," sabi ni gabb na kanina pa gising.
"T-teka, isarado mo nga yang kurtina! Ang sakit sa mata," saad ko. Ginawa naman ni gabb ang sinabi ko at inirapan ako.
"Problema nun?" Nasabi ko nalang sa sarili ko.
Tahimik ang mga kasama ko dito sa baba. Wala pa yung iba, kami pa lang ni gabb, lara at co—–
"Saan si coleen?" Tanong ko kay gabb.
"Tulog, ayun oh," turo niya sa sofa kung saan natutulog si coleen.
Lalapit na sana ako nang bigla akong kausapin ni gabb.
"Don't you dare to cuddle her, sasaktan kita," mukhang uminit ang dugo sa akin ni gabb kaya hindi ko nalang tinuloy ang binabalak ko.
'Hmm... Teka, may sila ba ni gabb? Kapal ah, nang aangkin na,'
Tinuloy ko pa rin ang gagawin ko. Niyakap ko ng sobrang higpit si coleen para magising ito ngunit wala itong kibo.
'Enjoyin ko nalang yung body heat niya, pag niyayakap ko pakiramdam ko nasa ulap ako!'
"Brei.. Sabi ko.. Lumayo ka!" Papalapit ng papalapit si gabb kaya pinatigil ko siya sa saglit.
"Teka nga muna gabb, may kayo na ba? Best friend mo ba si coleen? 'Di naman 'di ba?" Napatigil ito sa sinabi ko.
'Heh! Kala mo ah, 'di porket close na kayo ni coleen ibig sabihin nun friend ka na,'
"Tch!" Pag irap niya at ikinuyom ang mga kamao niya.
'Ho! Ho! Ho!'
Ngumiti ako ng mapang-asar kay gabb na lalong ikinagigil nito. Narinig ko pang nagkikiskisan ang mga ngipin niya na para bang gusto ako kagatin ng buhay.
'Ho! Ho! Ho! Pero 'di ngayon, Ho! Ho! Ho!'
Dahil doon ay lalo ko pa 'tong inasar at inilagay ang kanang tenga ko sa puso ni coleen. Lalo naman itong umirap at hindi na tumingin pa sa akin.
'HaHAHAHA—–'
Napatigil naman ako nang may mapansing mali kay coleen.
'Di siya humihinga!?'
"G-gabb! Halika! T-t—– p-pakingan mo!" Tawag ko kay gabb.
Inirapan lang ako nito, akala siguro nagbibiro ako.
"Seryoso ako! Bilisan mo!" Tawag ko ulit.
Umirap muna ito ng dalawang segundo bago mapag-desisyunan na lumapit sa akin.
"Ano ba yon? Pag ako inasar mo nanaman, tch!" Galit na saad nito.
"Pakinggan mo yung puso ni coleen, bilis!" Bulong ko sa tenga nito.
"H-h-huh?! Namimikon ka ba? Tch!" Pamumula ng buong mukha nito.
"Seryoso ako gabb, bilisan mo," saad ko. Halos isang minuto pa itong nag-alinlangan bago tuluyang pakinggan ni gabb ang puso ni coleen.
Siyempre pulang pula siya. Ikaw ba naman utusan na pakinggan yung puso ng crush mo habang natutulog, sinong hindi mag-aalinlangan dun?
Napa-seryoso naman bigla ang mukha ni gabb matapos niyang gawin 'to.