"Sela! Sela!"
"Hmm? Ba't?"
"Miss na kita!"
"Huh? Pinagsasabi mo? Apat na oras lang tayo nagka-hiwalay ah?"
"Kahit na! Miss na kita!"
"Talaga ba? Kiss mo nga ko"
*kissed*
"Huy! Andaya mo! Ang tagal ng kiss mo! Ibalik mo yung five seconds!"
"Huh? Pati ba naman sa kiss, may timer?"
"Siyempre! Ano ka chix? Ibalik mo yung five seconds!"
"Oo na okay okay,"
*kissed*
"Good, dapat ganoon lang. Lumalagpas ka sa timer eh"
"Awit"
"Sayo"
~
"Huy! Halika na dito"
"Oh? Ba't ba? Naliligo pa ko eh!"
"Halika ka na kasi, Sela"
"Hm? Ano ba 'yon?"
"Manuod tayo ng anime"
"Ih~ ayoko ng anime! Gusto ko ng movie!"
"Ah... E 'di manuod tayo ng anime movie"
"Movie! Movie!"
"Sige na nga, pero pagkatapos, anime naman ah?"
"Hm"
~
"Do you like it?"
"Hmm.... Maybe?"
"H-huh? 'Di m-mo pala nagustuhan?"
"Haha, siyempre gusto ko! I love you"
~
"Anong problema?"
"Nakita ko kayo ng ex mo"
"Pero di ko naman siya hinawakan o nilapitan?"
"'Yun na nga e, kinausap mo pa rin siya!"
"Pero nagpapatulong lang naman siya sa'kin sa assignments. Wala namang issue don"
"Sure ka?"
"Oo"
"Baka niloloko mo ko!"
"Hindi nga shhh"
~
"Maganda ba sa'kin?"
"Ha? Ah, oo, oo!"
"Ba't parang napipilitan ka lang?"
"Huh? Ako? Ah, wala"
"Sino ba yang ka-chat mo ah?"
"S—"
~
"Abby! Ano bang problema mo ha?!"
"Wala akong ginagawang masama Sela!"
"Anong wala?! Nakita ko kayong dalawa!"
"Ano bang pinupunto mo?"
"Ikaw! Ikaw ang punto ko!"
"Wala akong ginawang masama sela, kumalma ka please"
"Ayoko na"
"Sela naman! Wag mo namang gawin sa'kin 'to!"
"Pagod na ko."
~