UNICOCO///DeadLy/// Part 10

162 12 1
                                    

Coleen's

Nakapasok kami ni gabb ng maayos sa school. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay nakasalubong namin sila Amy at Lara. Kinausap ko sila kung bakit sila nasa labas at nang tanungin ko sila ay bigla nalang silang umalis na para bang hindi kami nakita.

Tumingin ako kay gabb na punong puno ng pagtataka kaya parehas kaming napatakbo papunta sa room. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay bumungad sa harapan namin ang nagwawalang si brei.

"Buwisit! Sino ba sa inyo ang killer?! Umamin ka na! Magpakita ka na! Takot ka bang masuntok ha? Umamin na kayo!" Pagwawala niya. Napansin ko namang nasa isang gilid lang ang iba. Nilapitan ko si brei at niyakap ito.

Sobrang bilis ng paghinga nito na kahit anumang oras ay mahihimatay ito dahil sa kawalan ng hangin.

"Brei, calm dowm. You shouldn't be here, let's go home.." Bulong ko sa tenga nito.

"Ako? Uuwi? Hindi! Hangga't hindi ko nalalaman kung sino sa atin ang killer hindi ako uuwi!" Pagpilit niyang kumawala sa yakap ko.

"I'll tell you who she is. But after the class okay? Calm down. Di ako sure kung tama ba ang hula ko pero please, calm down." Sabi ko. Buti nalang ay kumalma ito ng kaunti.

Ilang sandali ay patakbong pumasokng room si miss V.

Napatingin ito sa amin at napanatag ang loob nito ng makitang kumalma na si brei.

Bumalik kami sa sarili naming upuan at tumayo sa gitna si miss V bago magsalita.

"Okay class, alam kong ang iba sa inyo ay nababahala sa nangyari pero wag kayong mag alala. Ginagawan na ng mga pulis ng paraan para matukoy kung sino ang killer. Mamayang hapon ay isa isa kayong iimbistigihan kaya kumalma kayo, yun lang, class dismiss," alis ni miss V. Simula ng makabalik kami ay halos hindi maayos ang pakiramdam ng lahat. Ang iba ay halos mabaliw sa nangyari, tulad ni brei.

Ang iba ay medyo hindi nababahala pero nalulungkot para kay brei. Lagi pang sobrang tahimik ng lahat tuwing nasa klase. Ayaw naming makipag usap sa isa't isa dahil baka isa sa amin ang killer. Kung sino lang ang pinagkakatiwalaan namin ay yun lang ang kinakausap namin. Ngayon, ang tanging mapagkakatiwalaan ko lang ay si brei.

Wala akong magawa kundi iasa ang lahat kay brei.

Lunchtime na namin at katabi ko ngayon si brei.

"Are you sure?" Tanong ko sa kanya.

"S̸a̸b̸i̸h̸i̸n̸ m̸o̸ n̸a̸," pagtitig nito sa akin ng sobrang talim.

"The one with a strawberry flavored cologne," bulong ko sa kanya.

"Kaya pala nagtatanong ka nung nasa van tayo. Pa'no mo nasabing strawberry yung pabango?" Tanong niya.

"When i got stabbed. The one who stabbed me smells like strawberry." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Paninigurado niya.

"Of course i am, i swear." Pagkumbinsi ko dito.

"Mamayang gabi. Ako na bahala. Matulog ka lang ng mahimbing. Ito oh." Bigay niya sa akin ng pepper spray.

"Be careful okay?" Sabi ko bago siya tuluyang umalis.

Habang tinatapos ang kinakain ko ay napatingin ako sa kanila. Pasimple kaming tumitingin sa isa't isa dahil umalis si brei. Bawat pagsulyap namin sa isa't isa ay lalong nagiging kakaiba ang kilos ng bawat isa. Si Laney, Amy, Lara, Faith, Sela at Gabb

Umaga ngayon at bigla nalang umulan. Hindi masyadong maliwanag ang sikat ng araw dahil sa ulan.

Habang nakatingin sa labas ay napansin kong nag iba iba ang pwesto namin. Lumalayo talaga ang lahat sa isa't isa at kasama na ko ron. Katabi ko ngayon si brei na late nakapasok nung lunch break, sinabi niyang may ginawa lang daw siya at ng tinanong ko ito ay wala itong ibang sinabi kundi 'May hinanap lang daw' lumipas ang oras na hindi nakikipag usap sa iba. Kahit si Miss V ay hindi umimik kapag nababanggit sa usapan ang nangyari kamakailan.

Umuwi kami ng maayos ni brei sa apartment namin. Nagtaka ako dahil sa bukas ang pinto kaya dali-dali kong kinuha sa bag ko ang pepper spray at dahan dahang binuksan ang pinto. Nang mabuksan ito ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang si brei lang pala ito.

"You scared me!" Paghampas ko sa braso niya.

"Uh.. Sorry, pumasok ako kaagad..." Napakamot naman siya sa batok niya.

"Nah, I don't mind it. Why are you here anyway?" Tanong ko sa kanya.

"Ang totoo, may gusto akong sabihin.." Sabi niya.

"What is it?"

"Kanina, nung lunch break. Nakakita ako ng pabango sa hallway, at strawberry flavored pa! Sa palagay ko malalaman ko na kung sino sa atin ang killer." Pagtawa niya.

"Sabi mo ba sa hallway? Bakit sa hallway?" Tanong ko.

"Ewan, siguro di alam ng killer na may pabango siya sa bulsa," pagbaba ng boses niya.

"Teka, di ka ba nagtataka? Imposible namang malaglag yan ng basta basta, di kaya... Sinadya yan?" Napaisip naman si brei sa sinabi ko.

"Wag ka mag alala, may plano ako,"

The Next Morning.

Maaga kaming natulog ni brei para maghanda sa plano namin. Kinagabihan lang ay naisipan niyang itanong sa mga kaklase namin kung kanino ang pabango. Medyo nag alinlangan ako sa binabalak niya dahil kung kanino man yan ay sigurado akong basta basta nalang susuntukin ni brei ang may-ari ng pabango, pero wala akong maisip na paraan kaya naisip kong tingnan nalang ang reaksyon ng bawat isa para makita kung may kakaiba man kumilos sa kanila.

At ngayon ay pumasok kami sa gate at gaya ng nangyari kahapon ay iniwasan ulit kami nila Amy at Lara. Hindi namin alam ni brei kung bakit kaya minsan ay hindi na namin sila kinakausap dahil alam kong takot sila sa lahat ng kaklase nila. Pagkapasok ng room ay dumiretso kaagad ako sa upuan at napansing lumipat ng upuan si Faith. Malapit pa ito sa akin kaya nagtaka kaagad ako. Sila Gabb at Laney ay malapit sa dati nilang inuupuan habang si Sela ay nasa pinakang likuran. Ang mga baguhan naman ay sa gitna naupo.

Pumunta sa harap si Brei at nagsimulang magtanong.

"Kahapon, may nakita akong pabango sa hallway sa first floor ng building. Malapit sa librar—" naputol naman sa pagsasalita si Brei ng biglang magsalita si Laney.

"At anong ginagawa mo sa library?" Tanong ni Laney na dahilan para maistatwa si Brei.

"Naghahanap ako ng ebidensya sa pagkamatay ni Jaydee, dahil walang naitutulong ang pulis dito!" Napataas ang boses ni Brei na nagpatahimik sa lahat.

"Kanino 'to?" Pag taas ni brei sa hawak niyang pabango. Nang gawin niya yon ay napatingin naman ako sa reaksyon ng bawat isa at wala man lang akong nakitang kahina-hinala.

Hanggang sa may isang umamin.

"Brei, uh... Akin yan." Pagtaas ni Faith ng kamay. Lahat kami ay napatingin sa kanya na may di kapani-paniwalang ekspresyon.

Pero ang mas may matinding si reaksyon ay si Brei. Lumapit si Brei at hinagis sa kanya ang pabango. Hindi ito nasalo ni Faith at tumama pa ito sa dibdib niya. Pinipigilan man ang galit ni brei ay hindi pa rin ito pwedeng gumawa ng gulo dahil alam niya sa sarili niya na imposibleng gawin yun ni Faith. Parehas lang ang naging reaksyon namin ni Brei ng malamang kay Faith ang pabango.

"Anong problema? Nakakasakit ka na ah? Dahil ba sa may ganito akong pabango? Ni hindi mo nga alam kung ako lang ang may ganitong pabango eh." Sa galit ay pababog na umupo si Faith.

Ilang sandali lang ay biglang pumasok si Miss V kaya diretsong napabalik si Brei sa kanyang inuupuan.

Lunch Break ay walang ibang nangyari kundi kumain at tinitigan ng masama si Faith.

Walang ibang nangyari sa klase kundi pag aaral lang. Ano pa ba ang kailangang mangyari sa klase 'di ba?

Nagbago ang lahat pagkagising ko kinabukasan.

Maigsing Update

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now