Coleen's
New victim. Faith.
Estimated time before she got killed:
1:00AM XX-XX-XXXX.Suspect: Brei Binuya.
"Can you survive this madness?"
~
Nagising ako na pinagpapawisan. Tumayo ako sa aking kama at diretsong lumingon sa bintana. May nagsusunog sa ibaba kaya agad akong nagtaka. Sobrang baho ng amoy nito. Amoy bagong lutong letson.
Ngunit ang nakakapagtaka ay nasa lupa ito at wala sa ihawan. Nagtataka man ay ipinagpatuloy ko ang pagsisipilyo.
Habang nagsisipilyo ay may nakita akong tao sa baba. Ilang sandali lang ay napatili ito na nakapukaw sa atensyon ko. Napatingin ako sa baba at napansin kong si Sela ito. Agad akong nagumumog at idinura ang mimumumog ko at dali-dali pinihit ang door knob ng aking pinto palabas.
Dumiretso ako sa kuwarto ni brei at kumatok sa pinto niya, laking pasasalamat ko ng buksan nito ang pinto niya. Parehas kami ng iniisip kaya nagmadali kami pababa ng hagdan.
Pagdating namin sa lugar kung nasan si Sela ay naabutan namin itong walang malay. Nakahandusay ito sa lupa kaya inutusan ko si brei na ipatawag ang lahat.
Agad itong tumakbo pabalik sa loob at ako naman ay iniayos ang katawan ni Sela na walang malay.
Dahan-dahan akong lumapit sa nasusunog. Napalunok ako ng maigi dahil sa hindi mukhang letson ang niluluto dito sa ibaba.
Ilang sandali pa ay may bumungo sa akin at dumiretso sa nasusunog. May dala itong timba ng tubig at ibinuhos ito sa nasusunog. Napansin kong si Gabb ito.
Napatingin ako sa likod ko dahil sa narinig ko ang yapak nila palapit sa akin.
"Anong nangyari?" Tanong ni Laney.
"I dunno... May nasusunog..." Sabi ko at dali-daling nagsilapit ang ka-roomate ko.
Hindi lumalapit sila Amy at Lara dahil sa matinding pangamba at ganoon na din ako.
Lumapit ako ng kaunti sa nasunog na kung ano at nanlaki ang mata ko sa nakita.
"FAAAITHHH???!!!" Sigaw ko.
"HAHA.... HAHAHA... HAHAHAHAHAHA!!"
"oh my god, oh my god, oh my god, oh my god, oh my god—"
"ahhh.... Ahhhhh.... AAAHHHHHH!!!!"
Lahat kami ay masisiraan na sa mga nangyayari.
Napasuka kami sa isang gilid dahil sa sitwasyong kinalalagyan ni Faith.
Sunog na sunog ang katawan nito mula ulo hanggang paa at base sa puwesto niya ay malaki ang suspensiya ko na nahulog ito mula sa kuwarto niya dahil sa katapat nito ang kuwarto nito kung saan ito natutulog.
Wala na itong buhok dahil nasunog na ang anit niya at dahil sa kanina pa ito nasusunog ay natutunaw na ang balat niya kaya nakikita na namin ang bungo nito mula sa bunbunan nito. Ang mga mata nito na lumalabas na mula sa orihinal na puwesto nito. Ang mga buto nito na bali-bali na. Isa pang bagay na nakapukaw ng atensyon ko ay ang kutsilyo sa dibdib niya. Nakabaon ito ngunit wala na ang hawakan dahil sa natunaw na ito. At sa bawat pag analisa ko sa katawan nito ay napapasuka ako. Itim na itim na ang buong katawan niya na parang uling.