Gabb's Pov
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay coleen.
"Ikaw?" Namula naman siya ng ma realize niya ang sinabi niya. Yan, ang harot kase eh.
"Ba't ka natatawa? Ang sasabihin ko dapat 'ikaw? Anong gusto mo?" Pagpapalusot niya. Di mo ko mauuto coleen psh
"Ba't di ka nagsasalita ha?!? Ba't ka ganyan ka makatingin? Ano bang nasa isip mo?" Pangti-trip ko rito. Binigyan ko kasi siya ng 'ikaw ah' look
"Chicken nalang ba?" Tanong ko rito.
"Ayoko nan, gusto ko ng healthy" pagpapa-cute niya.
"Ah... Tulad ko?" Namula naman siya sa sinabi ko. Hmm... Ako lang pala ah
"Shatap! Chicken na nga lang!" Sabi niya habang tinatakpan ang mukha. Basta talaga pambabanat apaka galing ko hehe.
Pumila na ako't at nag order ng chicken. Ngayon nga yung trip namin pero dapat kumain muna kami kasi baka mamaya magutom 'to sa byahe. Lagot ako kay tita pag nangyari yun
Habang sine-serve ang pagkain pinagmasdan ko muna ang napakagandang mukha ni coleen. Hmp! Ang cute mo talaga.
"Ma'am? Yung bayad mo po?" Sabi ng cashier. Oo nga pala
Habang kumakapa kapa sa bulsa naramdaman kong walang anumang senyales ng wallet sa bulsa ko.
Fvck! Nasa bahay?!?
Ngumiti muna ako sa kahera yung ngiting 'naiwan ko ata sa bahay yung pitaka ko' smile.
"Po? Ah sige po ise-set aside ko po muna yung order niyo" sabi ng kahera. Wew! Muntikan na ko don
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nangyari. Pero kailangan ko pa ring bumalik sa bahay!
Nilapitan ko muna si coco at kinausap.
"Ah... Coleen~" kailangan maging malambing ako. Baka mamaya sampalin o sigawan ako nito eh