Brei.
Nagsimula ang klase at sabay sabay nagsi upo ang lahat.
'Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit napapayag ni jaydee si faith'
"Hm.. Nevermind,"
~
Nagsimula na ang recess kaya kinuha ko ang baon ko at binuksan ito.
'Sabaw, sabaw, sabaw,'
Tinola ulit.
Pero buti nalang mayroong laging nanghihingi ng baon sa amin.
"Rans!" Tawag ko kay rans.
"Hello, brei right?" Tumango ako.
"Ito oh," abot ko sa kanya ng baon ko.
"Sure ka? Anong kakainin mo?"
"Ikaw," nasabi ko nalang.
Umalis ito at sumama kila alice at sheki. Nagtitinda nanaman si alice ng mga tinapay na gawa niya.
Actually, one time bumili ako ng isang pirasong tinapay na kulay violet, ube ata flavor non, masarap naman siya.. Kaso nga lang masyadong mababa yung presyo para sa masarap na tinapay.
Lumapit naman si faith sa akin at kinausap ako.
"Wala kang lunch? Ito oh, share tayo.." Sabi niya. Sinunod ko nalang ito at hinayaang paupuin siya sa upuan ko.
Nagningning naman ang mga mata ko ng makita ang baon niya.
"Sarap..." Sabi ko habang natatakam sa pagkain niya.
'Chicken! Burger! Fries! At Milk!'
Teka..
"Ba't may gatas sa baunan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala.. Dapat nga kape iyan eh, kaso wala ng stock sa bahay." Sabi niya at kumuha ng utensils.
Kinuha ko ang tinidor dahil makikikain lang naman ako.
'Sayang.. Indirect kiss sana,'
Tinuhog ko ang buong chicken at hinimay himay ito gamit ang tinidor.
Kakain na sana ako ng may biglang lumapit sa puwesto namin ni faith.
Lumingon ako at nabulunan sa kinakain ko ng magpakita si lara sa harapan ko.
'Tekaaaa!!!!????'
"Excuse me miss, pero diyan ako nakaupo." Sabi ni lara.
'Ang kapal. Matapos makipag-break makikiupo dito sa tabi ko na parang walang nangyare?!'
"Excuse me rin, sino ka ba?" Mataray na sagot ni faith.
"Ako lang naman yung taong diyan sa inuupuan mo nakaupo." Sambit niya.
"So what? College na tayo, kahit saan pwede ka umupo." Tumingin naman ng matalim si lara kay faith bago tuluyang umalis.
Lumapit naman sa amin si jaydee na tinatakpan ang bibig para lang hindi matawa sa nangyari.
"Nice, babygirl." Bulong ni jaydee kay faith. Napansin kong napa-cross ang mga binti ni faith—–
'Oh~ alam ko na kung bakit napapayag ni jaydong si faith.'
"Ayos ba?" Akbay nito.
"Pwede na." Nasabi ko nalang.
Natapos na ang recess. Kaya balik ulit kami sa klase.
~
Habang nagkaklase nakaramdam ako ng kumukulo sa tiyan ko. Ikinataka ko naman ito kaya kinalabit ko si faith na katabi ko.
"Kailan pa yung manok na kinain ko?" Tanong ko rito.
"Tatlong araw na 'yon sa ref—–" agad akong tumayo at nagpaalam sa prof na sumasakit ang tiyan ko.
"Shoot! Wala akong tissue!" Pagpanic ko.
Agad akong pumunta sa court at bumili sa tindahan ng tissue.
'Crap!'
Agad akong tumakbo papuntang banyo ng makasalubong ko si coleen.
"Breeeiiiii~!" Sigaw niya. Yayakap sana ito sa akin kaso umilag ako kaya natumba ito sa lupa.
"Ang sama moo~!" Sigaw niya.
''Di ko na kaya eh.'
Nang matapos na ako may narinig akong boses sa labas.
"She's so lame. Kaya ko siya iniwan eh,"
'Lara?!'
Agad kong ni-lock ang cr para 'di sila makapasok. Baka mamaya malaman nilang nandito ako!
"Huh? Naka-lock yung cr? Kunin mo nga yung susi dun sa canteen."
Agad naman akong nagpanic ng mapansin kong kumikilos na sila.
Agad naman akong naghanap ng matataguan.
Mayroong 5 cubicle.
Pumasok ako sa pang-una.
Pagkapasok ko ng unang cubicle ay agad bumilis ang tibok ng puso ko ng mabuksan na nila iyon.
Napasandal naman ako sa pader.
Ipinikit ng sobrang diin ang mga mata, at ni-lock ang pintuan ng cubicle na pinasukan ko.
Pagkadilat ko ay agad na bumungad sa akin ang dalawang babaeng nagchachak-chakan dito sa cr.
Nag-peace sign naman ako sa dalawang babaeng nakahubad sa harapan ko.
'Woooww~ sanaol bebe time.'
Tiningnan ko ulit sila at namumula na sila sa hiya. Pinatahimik ko sila dahil baka mamaya magtaka si lara na nandito ako.
"Pangalan niyo?" Pabulong na saad ko.
"*** po." Sabi ng mahinhin na babae.
Tinuro ko naman yung isa,
"**** po," napatakip naman ako ng bibig sa gulat ng malaman ko na ka-squad ko pala itong nagchachak-chakan sa harap ko.
"****, ***. Wag kayong maingay ah? May humahabol sa akin."
"Hitman?" Sabi nung ****.
"Boba, sa tingin mo habulin ako ng hitman?" Pabirong saad ko.
"Hindi, pero mukha kang nakatakas sa kulungan.." Nainsulto naman ako sa sinabi nito.
"Wow ha, kapal." Pag-irap ko.
Naramdaman ko naman na umalis na sila lara kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at mas lalong nakahinga ng maluwag ng mapansin kong wala na si lara.
"That is so intense." Nasabi ko nalang at lumabas ng cr.
CocoBrei|CoBrei///How can i trust you?/// part 4