SeBy///'<3'///

248 16 0
                                    

Abby

"Guys! Alam niyo ba?" Saad ni sheki. Mang aasar 'to sigurado.

"Oh? Ang alin?" Nakangiting mala-demonyo si Rans at Alice.

"Balita ko, may mag jowa daw na pinalabas sa room kanina" bulong ni sheki kay rans at alice.

"Oo nga eh, kinilig pa nga ko eh" rans giggled. Mate.

Hinayaan ko nalang sila mag-usap baka mamaya mapatay ko sila eh, tinuloy namin ang paglalakad papuntang gate dahil uwian na at wala na kaming balak gumala kasi nga mapapagalitan ako ni mama.

"Ba-bye!" Sigaw nilang tatlo sa'kin bago sumakay ng bus. Nginitian ko nalang sila at tsaka nag hanap ng mauupuan.

Naka-dungaw lang ako sa bintana ng bus nang may biglang mag chat sa akin.

Sela
Hi

Hindi ko nalang ito pinansin at binalik ang tingin sa labas. Habang naghihintay na mapuno ang bus. Naisipan kong bumaba muna dahil alam kong matatagalan pa bago ito mapuno.

Bumaba ako at bumili sa tindahan na nasa gilid lang ng paradahan.

Habang iniinom ang binili kong carbonated drink nag-open muna ako ng facebook account ko upang i-check kung may mahalaga bang nag-chat

Pero puro si sela lang ang nagcha-chat kaya sumakay nalang ako ng bus.

Maya-maya lang may babaeng biglang tumabi sa'kin. At siyempre, 'di ko nalang pinansin.

Nang umandar na ang bus, iniharap ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko para magbayad.

"Kuya, bayad po" sabi ko at iniabot ang bayad ko sa conductor.

"Bayad din po"

Huh? Familiar yung boses niya ah?

Tumingin naman ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti. Sela?!

Agad naman akong napa-ayos ng upo, kinuha ko ang sukli ko at lumunok ng paulit-ulit.

Ba't ngayon pa?!

"'Di ka nag reply sa chat ko." Sabi niya habang nakatingin sa harapan. Inignora ko lang ang mga sinasabi niya na para bang walang kumakausap sa kanya.

"Tama, sa ating dalawa, ikaw lang, abby" bulong niya at liningon ako.

"Ikaw lang talaga."

SeBy///'<3'///

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now