Coco' Pov
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni gabb. Pwede bang ikaw nalang?
"Ako nalang ba kakainin mo?" Pambabara niya. Nakakainis naman 'to! Nag iisip ako e!
"Kahit ano nalang." Cold na sagot ko rito.
"Kahit ano? Sige," sabi niya at pumili ng kakainin namin.
Nasa counter siya at ako naman umupo sa upuan. Alangan naman sa table?
Habang naghihitay nakita ko si Laney at Amy. Kumaway ako sakanila pero 'di nila ko pinansin. Ang rude nun ah?
Maya-maya lang dumating na si Gabb at nilapag ang tray. Nagulat naman ako nang makita ang in-order niya.
"Ba't naman eto?" Pagrereklamo ko. Sa lahat ng pagkain, ito pa?!
"Sabi mo gusto mo ng healthy, ayan. Healthy" sarkastikong saad niya.
Nanadya ka ata eh?!
"Oh? Ba't ansama mo makatingin? Anong healthy ba yung sinasabi mo?" Takang tanong niya. Nagbibiro lang naman ako kanina huhu
"'Di ka ba marunong magsalita? Huy! Coleen? Andyan ka pa ba?" Inosenteng sambit nito. Napakagat naman siya ng labi ng marealize niya ang nangyari. Bumalik siya sa counter at um-order ulit ng panibago. Lumingon naman siya sa'kin at nag peace sign.
Wah! Wah! Wah!
Napasapo nalang ako sa aking noo at naghintay.
Bumalik si gabb na may bitbit na tubig.
"Nakalimutan ko, 'di ka nga pala mahilig sa healthy foods ng walang tubig. Iyan na kain na tayo!" Masayang sabi niya. At ako naman 'tong luhaan. Kasi bakit ito pa?!
Maya maya lang nakita ako ni Laney. Napansin ko 'yon sa peripheral vision ko.
Kumaway sa'kin si Laney at ako naman pinakitaan ko naman siya ng smile na 'tulungan mo ko! Gutom na ko!' Smile.
'Di naman kaagad ito na-gets ni Laney at kumunot pa ang noo.
'Ha?' Sabi niya ng pabulong niyang saad.
'Lumapit ka rito!' Para kaming mga tanga e sobrang lapit lang naman namin sa isa't isa. Ayaw niya ba sa'kin? 'Di na ba ko ganon kaganda para lapitan niya? 'Di na ba niya ko friend?
"Ano ba 'yon? May sasabihin ka ba?"
"Ay, wala. Sige du'n kana"
"Abala naman 'to tatawag tawag tapos wala naman pala"
Airhead.
"Meron nga kasi, ba't pa kita tatawagin kung wala 'kong sasabihin?" Somestimes, parang minsan.
"Ano nga? Sabihin mo na kasi" excited ka ghorl?
"Alam mo ba?" Aasrin ko muna 'to
"Na ano?" Inosenteng sagot nito.
"Na mahal ko nanay mo?"
Tumahimik siya at 'di na sumagot. Aba! How rude
Bumalik naman sa'kin ang atensyon ni gabb at nagsalita.
"Di ka kakain?" Kunot-noong tanong niya.
"Kakain ako. Basta ikaw. " bulong ko.
"Huh? May sinasabi ka ba?" Tanong niya habang kumakain.
"Wala, sabi ko i love you" namula naman siya saglit sa sinabi ko.
Unknown's Pov
"Ano ba talaga yung gagawin natin dito ah?" Tanong ko sa babaeng kanina pa nakasunod sa'kin.
"Gusto ko lang na halikan mo ko! Please!" Kanina pa 'to nangugulit ni hindi ko nga 'to kilala
"Sino ka ba? Pwede ba umalis ka nga! Nakakatakot ka! Your creeping me out!"
'Di pa rin nagpapigil ang babae at pilit na itinatapat ang labi ko sa labi niya.
Manyak ba 'to?
Ilang sandali lang ang may nakita akong isa pang babae galing sa labas at hinampas ako ng bote ng alak sa ulo. Bigla namang umikot ang paningin ko dahil sa lakas ng impact. Halos 'di ko na marinig ang pinaguusapan nila dahil sa pagkahilo
"Set the bomb. Ako na bahala sa babaeng 'to" mga huling narinig ko.
Unicoco///A Small Gap/// part 4.