"Hi sela, kamusta kana?" Ngiting bati ko dito.
"Ayos lang, actually may ibabalik lang ako sayo." Sabi niya at may kinuha sa bag niya.
Nilabas niya ang notebook na hiniram niya sa akin nung nakaraan.
"Ibabalik mo?" Turo ko sa notebook.
"Hindi, kukuhanin ko ulit." Sarkastikong sagot niya. Bigla naman akong napa-ngiti sa mga sinabi niya.
"Attitude pala. Gusto ko 'yan." Sabi ko dahilan para mamula siya. Napatawa ako sa reaksyon niya.
"Anong tinatawa tawa mo!" Paghampas niya sa akin. Napa- 'ouch' naman ako dahilan para tumigil siya.
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko sa kanya.
"H-h-huh? May klase ngayon ah?" Inosenteng tanong niya.
"Basta, saan?" Tanong ko ulit.
"Kahit saan?" Tanong niya ulit.
"Oo," sagot ko.
"Kung saan mo gusto." Ngiting sambit niya.
Alice
"Rans," pagtapik ko kay rans. Nilingon naman ako nito.
"Oh?" Bulong niya. Nagkaklase kasi kami.
"Saan nagpunta yung gunggong na 'yon?" Tanong ko sa kanya, tumawa ito sa sinabi ko.
"Kasama si sela, malamang." Tinuro niya pa yoong upuan nila sela at abby. Tumango nalang ako.
So magkasama sila? Ang tapang nila para mag-cutting.
Gabb's Pov
"Nakakairita ka kamo gabb!" Inis na saad ni dana.
"Ba't ako? Kasalanan ko pa? Aba aba!" Sagot ko sa kanya.
Bakit ko naging kasalanan na ma-busted siya ni jemimah?! Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"Kasalanan mo 'to eh! 'Di na kita kaibigan!" Ngayon galit na 'to.
"Anong masama doon? Sinabi ko lang naman kung ilan ang mga naging jowa mo dati?" Lalong uminit ang dugo sa akin ni dana.
Patay.
"Eh pano kung sabihin ko kay coleen iyang sekreto mo? Matutuwa ka rin ba?!" Tuluyan ng tumulo ang luha niya. At ako walang pakialam dahil ang alam ko wala akong kasalanan.
"Anong sekreto? Ang alam ko wala akong 'tinatagong sekreto'" Pagdidiin ko sa salitang sekreto. Bigla nalang akong sinampal ni dana at umalis.
Ano nanamang ginawa ko?!
~
Uwian na at sumabay ako kay coleen. Sabay lang kaming naglalakad habang ako nakatingin sa langit iniisip yung kasalanan ko kay dana.
"Anong... Kasalanan ko," sabi ko sa kawalan.
"Wala." Sagot ni coleen.
"Anong wala, galit siya sa akin." Sabi ko ulit sa kawalan.
"Ako, 'di ako galit sa' yo." Napa-iling nalang ako at naglakad.
~
Sumakay ulit ako ng van para umuwi nang makita ko si jemimah na papunta sa direksyon ko.
Lumapit ito sa bintana malapit sa kung saan ako naka-pwesto bago magsalita.
"Si dana?" Tanong niya.
"Ewan, kala ko kasama mo?" Tanong ko pabalik.
"Kasama ko? Wow, kanina ko pa siya hinahanap. Nasaan ba siya?" Nakakairita na! Sabi ng hindi ko alam!
"'Di ko nga alam. 'Di pa kami nagkikita simula nung– nvm." Pagputol ko sa sasabihin ko. Ayokong may nangingialam sa mga pinoproblema ko kaya wala akong pinagsasabihan ng sekreto ko... Except dana.
"Talaga ba? Sige, kung magkikita man kayo sabihin mo sa kanya. Mahal ko siya," sabi niya at tumakbo paalis.
W.t.f.
Bakit kailangan sa akin pa? Ano 'to 'pass the message'?! 'Di na ko elementary para sa ganitong laro!
Hays, boyset