"Kamusta kayo nung, sheki?" Tanong ni abby.
Huh? Sinong sheki?
"Sino si sheki?" Inosenteng tanong ko.
"Yung ginamot mo." Pagpapaalala niya.
"Ah, anong pake ko sa kanya." Sabi ko at tinalikuran siya.
"Weh? Sige bye na." Sabi niya at umalis.
Nagsimula na ang klase pagka alis ni abby.
~
"Class dismiss."
Sabay sabay kaming tumayo at nag-bow.
Habang naglalakad papalabas nakita ko ulit si sheki.
Kumaway ito sa akin ngunit 'di ko nalang pinansin.
"Oy!" Tawag niya. Sigaw lang siya ng sigaw hanggang sa makarating ako ng canteen.
Nang makita akong kumakain lumapit ito.
"Snobber! Ang sama mo!" Naka-pout na saad niya. Tinawanan ko lang siya.
"Ba't ka tumatawa?" Hinampas hampas niya naman ako ng braso niya.
Bigla namang dumating sila rans at abby, kaya walang nagawa si sheki kung hindi umalis.
"Par!" Sigaw ni rans.
"Yo," bati ko. Umupo sila sa harap ko at nagsalita.
"Yo, alam mo ba? Si abby? May gusto na kay sino nga ulit 'yon?" Tanong ni rans.
"Sela." Walang ganang sagot niya.
"Magkamukha sila nung ex mo noh? Kaya nagustuhan mo, yie~" pang aasar ni rans. Bumuntong hininga lang siya.
"Eh kayo?" Tanong ko kay rans.
"Sinong 'kayo'?" Pagturo ni rans sa sarili.
"Kayo ng boyfriend mo." Pagtutuwid ko ng usapan.
"Hay!, buhay!" Bumuntong hininga siya.
"Oh baket?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya.
"Ay, teka. Si coleen ba maaga umuuwi?" Nasamid naman ako sa kinakain kong lumpia. Pati na rin si abby ay natulala.
"Oh? Ba't? Anong iniisip niyo?" Pagdedepensa niya. Tiningnan lang namin siya ng nakakaloko.
"Ang sama." Bulong ni rans. Maya maya lang dumating na yung mga bata.
"Hi ate alice, hi ate rans, hi ate abby!" Pagbati ni laney.
Sabay sabay silang umupo.
Ba't wala si daryll dito?
"Nasaan si daryll." Pagtatanong ko.
"Sabi niya, kukunin niya lang yung gamit niya sa classroom." Sabi ni laney at tumayo para bumili ng pagkain.
"Coleen!" Tawag ni rans kay coleen. Nagkatinginan naman kami ni abby.
"Po? Ano po yun ate rans?" Nag-acting naman ng 'ouch' si rans.
"Wala wala, anong gusto mo?" Tanong ni rans. Napansin ko namang lumiwanag ang mukha ni coleen.
"Kahit ano!" Excited na saad niya.
Nagtinginan naman ulit kami ni abby bago tingnan ng matalim si rans. Napakamot lang siya sa ulo niya dahil alam niya ang iniisip namin ni abby.
"Hey, that's my sauce! Give it back!" Pagtatalo ng dalawa.
"Ih! Yoko nga! Akin na 'to!" Saad ni coleen.
Kiniliti naman ni rans si coleen dahilan upang mapahalakhak ito ng napaka-lakas.
"HAHAHAHAHAHAHA! TAMA NA ATE RANS!" Nakita kong napatigil ito ng marinig niya ang salitang 'ate'
Ayos lang iyan rans. Matatanggap mo din.
Sabay sabay kaming natapos pero sila rans at coleen nalang ang hinde kaya nagtaka na ko.
"Kung magpapaiwan kayo sana doon nalang kayo sa classroom nagharutan." Saway ko sa kanila.
"Par, naman! Wag kang bitter. Si coleen lang 'to" chill na saad niya. Medyo umangat naman lahat ng dugo ko sa mga sinabi niya, pero kailangan kong manitiling kalmado. Dahil kung hindi, malilintikan ako.
"Coleen tara na." Hinatak ni gabb si coleen, nagpahatak lang si coleen. Habang ang itsura ni gabb? Medyo naiinis.
Umiling nalang kami at pumunta na sa room.
Habang nag tuturo ang teacher namin narinig kong nag uusap sila abby at sela.
Huh? Akala ko sa ibang section siya?
Nang matapos ang araw agad akong pumunta sa van. Napansing kong si Laney at Gabb pa lang ang nandito.
"Saan yung iba?" Tanong ko kay gabb.
"Nasa school naglilinis." Sarkastikong sagot nito.
Inismaran ko nalang siya, bumaba ako ng sasakyan para bumili ng kikiam.
Habang nangtutuhog ng kikiam may bigla nalang na nang-tapik sa likuran ko.
Dahilan upang mabitawan ko ang plastic cup na hawak ko.
"Shekinah?!" Gulat na tawag ko dito. Napansin ko ang pag-pula ng mukha niya.
Anong meron sa mukha niya? Ba't namumula?
"Bakit ka ba kasi nang-gugulat?" Pagkalma ko sa sarili ko.
"A-an-andito lang n-n-naman ako para m-mangamusta" utal utal na saad niya.
SheLice///OTW// part 2
I don't have enough time to edit this part. Hope y'all like it.