"Abby! Ano bang problema mo ha?!"
"Wala akong ginagawang masama Sela!"
"Anong wala?! Nakita ko kayong dalawa!"
"Ano bang pinupunto mo?"
"Ikaw! Ikaw ang punto ko!"
"Wala akong ginawang masama sela, kumalma ka please"
"Ayoko na"
"Sela naman! Wag mo namang gawin sa'kin 'to!"
"Pagod na ko."
Abby
Sobrang tagal na 'rin. Nung nasaktan ako.
Halos 'di ko na nga maalala.
At dalawang taon na 'rin akong single.
Ano pa nga bang 'di ko nai-experience?
"Kamusta ka na abby!" Tawag ni sheki.
"Hm? Uy! Par!"
"Ba't naman 'par'?" Pagtawa nito.
"What? Anong masama roon?" Pagdi-diretso ko sa usapan.
"Teka nga muna! May itatanong ako sa 'yo."
"Oh? Ano naman?" Napansin kong malalim ang iniisip niya. Thinking of something huh? Mukhang deep pero keri ko 'to.
"Mag.... Babalikan pa ba kayo ni sela?" Pagkamot niya sa kanyang batok. Da fuq?
At saan naman niya nabalitaan 'yan?!
"Uhuh. Anong pake ko kay sela" pagkukunwaring may pakealam ako. Wala naman talaga, simula nang hiwalayan niya ko. At kapag naalala ko lalo akong naiinis.
"Alam mo ba na, siya na ang campus crush?" Tumigil muna kami sa isang gilid at tumambay malapit sa field ng school.
"At alam mo ba na wala akong pake sa kung anong narating niya ngayon?" Seryosong saad ko.
"Bakit ba ayaw mo siyang patawarin? Abby, mars, alam mong alam ko na nagsisisi si sela sa nangyari noon! 'Di mo ba naa- appreciate yung paghingi niya ng sorry?!" Paranoid na sabi nito.
"Bakit nakakaamoy ako ng comeback!" paglapit nila Rans at Alice.
"Hay nako mars, buti nalang dumating kayo" haggard na saad ni sheki.
"Eh kasi naman ikaw, sheki, bakit mo pa pinipilit ang ayaw ha?" May pagka-tita sa tono ni Rans.
"Oo nga! Namimilit ka kasi! Wag mo na sila pakialaman ni sela, problema nila 'yan" pagpapaliwanag ni Alice kay Sheki.
"Eh kasi naman eh! Gusto kong magkabalikan tayo- sila, i mean." Tumawa naman si Rans ng bahagya. At pati na rin ako.
"Tayo? Yuck! Kadiri ka sheki!" Akto ni Alice na nandidiri.
"Sila kase! Sila ni sela! Wag ka ngang assuming diyan!" Depensa ni sheki. Tss, asar asar tapos magkakatuluyan din naman. Wag ako.
"Pst! Pre! Andiyan na siya!" Bulungan ng mga tao. Oo nasa malawak na lugar kami pero sa sobrang ingay at daldal ng mga tao kahit siguro bingi maririnig ang mga pinagsasabi nila.
"Si sela 'yan 'di ba? Yung nasa class-A?"
"Oo nga noh? Ganda niya talaga pre!"
"Minsan naisip ko, kung may jowa na ba 'yan" at ako 'yon. Dati.
Habang nag-uusap sila sheki, umalis muna ako at bumalik sa room. Umiiwas sa kanya.
"Huy! Epal 'to! Nangiiwan ka!" Hingal na sambit ni sheki.
"Oo nga, sanay na kasi iwan" hinampas ko naman sa braso si Rans. Ang kapal ah? Apaka. Tumawa pa ang kumag.
Pumasok kami ng room at inilapag ang mga bag namin. Habang naghihintay ng teacher bumalik ang president naming si kay. Si president kay.
"Guys! Tingin muna kayo sa harap!" Pagsisimula niya.
"Ba't president? May ipapasulat ka nanaman ba?"
"Oo nga! Baka naman president penge piso!"
"President! Pakopya sa math!"
"President! Pahingi barya!"
Pagdaldal ng mga kaklase ko...
Seby///'<3'///