SeBy///Really???/// part 9.1

134 12 0
                                    

After that year, yeah naging kami ni sela.

And after that year palala ng palala ang sakit niya. May nakitang maliit na bukol sa puso nito.

"Ayos ka lang, sela?" Tanong ko rito. Inaatake nanaman siya.

"Hm, im all right." Ngiti nito.

"Sure? Kuha lang ako ng gamot mo." Sabi ko at bumaba ng hagdan upang kumuha ng gamot niya.

Sobrang tagal na naming magkasama.

Naalala ko pa noong pinigilan ako ng kuya niya na maging kami ni sela.

Sobrang sakit ng suntok niya, pero worth it kasi napasakin si sela.

"Abby! Bilis!" Tawag ni sela. Binilisan ko naman ang pagkuha ng gamot ni sela.

"Andiyan na," sabi ko at pumasok sa kuwarto niya.

Pagpasok ko ay nakahiga na ito sa sahig.

"Sela?! Sela?!" Pagpanic ko.

Sa sobrang taranta ko ay tumawag kaagad ako ng ambulansya.

"Sela, wag naman ngayon," bulong ko at hinalikan ang kamay niya.

~

Nakarating kami sa hospital. Dinala siya ng mga nurse sa emergency room.

Agad akong lumapit sa doctor na mag-oopera kay sela.

"Magiging okay naman po siya 'di ba doc?" Tanong ko sa doctor.

Tumingin ito sa akin at bumuntong hininga.

"'Di ako sigurado, pero we will try our best." Sabi niya at pumasok na sa E.R

Naghintay ako ng mga walong minuto. Hindi ko natiis at tinawagan ang mga magulang ni sela.

Napaisip ako.

Paano kung magalit sila sa akin?

Paano kung ipakulong nila ko?

Paano kung suntukin nanaman ako ng kuya niya?

Paano kung, maililigtas pa naman siya?

Mga tanong na pumasok sa isipan ko.

Mas mabuti nalang na isekreto ko nalang ito.

"Ayoko," nanginginig na ang kamay ko halos hindi ko mapindot ang 'call' button ng phone ko.

Sobrang natatakot ako.

Natatakot ako na baka ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya.

"Sela, bakit ngayon pa?!" Sigaw ko at sinuntok ang pader.

Lord, sana naman bigyan niyo ako ng pagkakataon na makasama ulit si sela.

SeBy///Really???/// part 9.1

Hi, i have a new story..

GABB

Anyway, here is a short update.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now