CocoBrei|CoBrei///How can i trust you?/// part 9

103 10 2
                                    

Brei?

'Ayokong pumasok,'

'Natatakot ako,'

'Ayoko,'

"Hey, tara na, may balak ka bang pumasok?" Bulong ng imaginary coleen sa utak ko.

Madaming tanong ang pumapasok sa utak ko.

'Paano kung mangyari rin sa kanya yung nangyari kay daryll at faith?!'

'Paano kung panaginip lang din pala?'

'Paano kung mamatay din si faith at daryll kasi si coleen ang pinili ko?'

Inalis ko ang lahat ng nasa isip ko at nag-isip ng medyo positibo.

Naligo ako at nagbihis ng pang-pasok.

'Mangyayari nanaman,' bulong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng gate.

Maaga pa naman kaya sigurado akong mauunahan ko si jaydee sa pagpasok.

Habang naglalakad papunta sa sakayan ay napa-isip ako.

'What if... Kung kay gabb ko nalang iasa lahat?'

"'Di naman sa'kin maniniwala iyon," nabulong ko nalang sa sarili.

~

Nang makapasok sa room ay agad tumibok ng mabilis ang puso ko.

"... Faith... Daryll..." Sabi ko bago ako pumasok sa classroom namin.

Umupo ako sa inuupuan ko.

Hinintay ko lang si faith at daryll na pumasok dahil wala pa ang mga ito.

'Kahit na papaano maliligtas ko pa naman sila kung magkakaroon sila ng connection sa akin... Siguro,'

Madami ng tao sa loob kaya inihanda ko na ang sarili ko.

Dinukot ko ang pera ko ang sinadya kong ilaglag ito.

Nang dadamputin ko na ito ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang may umapak dito.

'Kahit masakit nga lang..'

Nang nilingon ko ito ay agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita sa harapan ko si lara.

"Tabe," masungit na saad niya.

'Aray ha! Ang sakit kaya ng tapak mo!'

Inalis ko ang kamay ko na naapakan niya. Naramdaman ko pang inikot niya ang paa niya habang tinatanggal ko ng dahan dahan ang mga kamay ko.

'Nananadya ka ba?! Suntukan na lang!'

'Halos makalimutan ko na ex ko pala ang hinahamon ko ng suntukan,'

"Sorry," sabi ko at tumayo para umalis sa puwesto ko para lumabas ng room.

Habang naglalakad ay bigla akong may nakabanggaan.

Nang lingunin ko ito ay agad na may tumulong luha sa mga mata ko.

"Okay ka lang? Sorry kung naiyak ka sa gwapo ko," pagpapapogi ni daryll.

'Kahit kailan talaga palabiro ka,'

"Oo nga eh, na-shock ako," pakikisabay ko sa galaw niya.

Ngumiti ito at nagsalita.

"Name?" Tanong niya.

"Brei," ngiting sagot ko.

Umalis na siya at kumaway pa sa akin bago ito umupo sa puwesto niya.

Habang naglalakad ay biglang may kung anong pumasok sa isip ko.

'Ganoon ba talaga si lara?'

''Di naman siya ganoon.. Kadalasan hindi siya namamansin.'

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now