CocoBrei|CoBrei///How can i trust you?/// part 5

95 7 0
                                    

Brei

Sa sobrang daming nangyari pakiramdam ko, apat na araw na ang nakalipas sa mga nadanas ko.

"Gusto ko na umuwi~" sigaw ko sa hallway.

Walang mga tao dito sa hallway kaya pwede akong hindi nalang pumasok.

'Tama, 'di nalang ako papasok.' Sabi ko at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad agad ko namang naisip yung bag ko.

"Maybe.. I'll try to call faith.."

Napaisip ulit ako.

'Oo nga pala, 'di ko pa alam number niya... Alam kaya ni jaydong?' Bulong ko sa sarili ko.'

Tinawagan ko naman ito, pero hindi ito sumasagot.

'May klase pa? Ang tagal lumabas nung prof.'

Agad naman akong pumara ng jeep papunta sa aking pinapasukan.

Habang nakasakay sa jeep agad namang huminto si manong driver ng may pumara ulit na babae sa harapan. Mag-isa lang ito.

'Grabe ah, kailangan talaga tadyakan yung break ah, muntikan na kong lumipad.'

Sumakay yung babae at tumabi sa akin.

Familiar yung mukha niya..

...

"Abby?" Tawag ko sa kanya.

"O-oh? Hello, sino ka?" Ngiting saad niya.

Hala! Parang kahapon lang nakasama ko pa 'to sa inuman.

"Ako yung nagtawag ng inuman nung nakaraan lang," pagpapaalala ko.

"Ah~ Belle?" Parang may kung anong tinik ang pumasok sa lalamunan ko.

"H-hindi.. Brei.. Om—"

"Brei? Ikaw na pala yan? Ang laki mo na ah," hindi ko alam kung ako lang pero parang nang-iinis lang eh.

"Oo." Nasabi ko nalang.

Sa gitna ng katahimikan ay bigla itong nagsalita.

"So.. Nag-cut ka rin?" Tanong niya.

"Hm, pero may dahilan." Sabi ko.

"Work?" Tumango ako bilang pagsang-ayon sa tanong niya.

"Tungkol kay sela... Secret lang natin yun ah?" Tumango ulit ako.

Bumuntong hininga naman ito na ikinataka ko.

"Seryoso? Ayaw talaga sa' yo ni sela?" Tanong ko. Dumilat naman ito at lumingon sa akin bago magsalita.

"Tingin mo? Ang sama kasi ng tingin sa akin eh," nag-isip naman ako ng mai-aadvice sa sitwasyon niya.

'Ang kapal ko naman kung aalamin ko pa yung dahilan, 'di naman ako tsismosa noh!'

"Subukan mo siyang tanungin, may kayo na ba?" Nagkibit-balikat naman siya, dahilan ng pag-buntong hininga ko.

"Ewan ko lang ha, pero 'di naman magiging masama ang trato niya sa' yo kung wala kang ginawang masama." Titang sabi ko.

"Talaga? Salamat ah? Sige, dito na ko." Pag-para niya sa jeep at bumaba sa isang ospital.

Bigla ko nalang naalala na nagkasakit nga pala ang nanay niya kaya dinala sa ospital.

'Madalas yung pagpunta ng nanay niya sa hospital, kaya minsan 'di na nakakapanibago.'

Close ang mga magulang ko sa magulang ni abby, pero hindi niya ako kilala.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now