SheLice///OTW///

100 6 0
                                    

"Saan ka galing?" Tanong ni coleen.

"Sa school malamang." Sabi ko at inirapan siya. Nagtawanan naman sila.

Pagka-uwi na pagkauwi namin. Agad akong nagluto ng hapunan.

Diretso kaagad sila sa mga pwesto nila pagka bihis nila.

Nagluto ako ng adobo. Medyo 'di ako marunong magluto kaya mag tiis sila sa luto ko.

Agad akong nagsaing ng kanin,

Nang matapos na ang lahat. Isa isa ko itong inilapag sa lamesa.

"Kain na" tawag ko sa kanila.

"Ang bango!" Pambobola nanaman ni laney.

Sabay sabay kaming nagsi-kain hanggang sa may mga kumatok sa pinto.

"Cole? Nandiyan ka ba?" Pagkatok ni andi. Binuksan naman ito ni cole at pinapasok ang mga kaibigan.

"Hello, kain." Pag-aaya ko sa kanilang kumain.

"Sige lang po."

Natapos naman sila Gabb, Coleen at daryll kumain.

Tumabi naman si laney sa akin.

Alam na 'to.

"Ate alice, baka naman pwedeng maka-hingi ng pera. Please" bulong nito sa akin na mala-anghel.

"Magkano." Matamlay na saad ko.

"10k?" Agad naman akong nabulunan sa kinakain ko. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon.

"Seryoso ka?! Saan mo ba gagamitin 'yan ha?!" Sigaw na tanong ko, dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kaibigan ni cole.

"Ate naman, hinaan mo lang boses mo. 10k lang naman e." Agad naman nagsi-taasan ang mga dugo ko sa ulo ko. Kaya naman lumayo nalang ito palayo sa akin.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at binagsak ang pintuan.

Coleen

"Anong ginawa mo?" Tanong ko kay laney.

"Nanghingi lang naman ako ng 10k." Naka-pout na sabi niya. Nagulat naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Nababaliw ka ba? Grabe na 'yan." Sabi ni cole.

"Alam mo babe, kung gusto mo ng pera. Ito oh." Pagbigay ni daryll ng 2k kay laney.

"Salamat babe, da best ka talaga!" Sabi ni laney sabay halik sa pisngi ni daryll.

"Yuck!" Pang aasar ni cole.

"Yuck mo mukha mo." Pambabara ni laney.

Tumingin lang ako sa kanila at lumabas para magpahangin. Naririnig ko ang mga tawanan nila sa labas. Malapit lang naman kasi ako sa kanila.

Itong building. Hanggang 7th floor. Pwede dito mag pa-fall. Ma-fall kay crush.

Napangiti naman ako sa sarili kong banat.

"Baliw ka na?" Paninira ng moment ni gabb.

"Epal. Dun ka nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Huh? At baket?" Kunot noong tanong niya.

"Anong bucket." Sarkastikong tanong ko.

"Lah, sige." Sabi niya at bumalik sa loob.

Bago siya pumasok nagsalita pa siya.

"T,W,I,L,Y." huling sinabi niya.

~

Alice

Kakagising ko pa lang. Pagkagising ko nakita ko na nakahanda lahat ng tao.

"Himala." Bulong ko sa sarili ko.

Nakapagluto na sila. Nakabihis. Lahat lahat. Ako nalang 'di nakahanda.

"Maligo ka na ho, ate alice." Sabi ni coleen. Pumasok na ako at nagbabad sa tubig. Agad naman akong may narinig na boses.

"Ate? Gumising ka na po! Ano pong lulutuin ko ngayon?"

Nagising ulit ako. Hinampas ko ang sahig dahil nananaginip nanaman ako! Ugh! Ayoko na!

"T*ng, wala pa rin kayong naluluto?!" Sigaw ko kay cole na ginising ako para lang magtanong ng lulutuin.

"Andito lang po ako para magtanong kung anong lulutuin." Nahihiyang sambit niya.

"Cole naman! Ang dami ng pagkain diyan sa ref! Ba't mo pa itatanong kung anong lulutuin?!" Sigaw ko sa kanya.

Imbis na mag-eskandalo pa ko dito. Nagluto nalang ako. Late na kami sa school. Malilintikan kami neto.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now